chapter #43

1.3K 27 0
                                    

Flashback......




Writer here!




Malungkot na masaya si Alianna, malungkot dahil ngayon na ang araw ng pag alis ni Aira. Sa wakas ay pinal na ang desisyon ng mga Esteban na ito na ang ampunin ng mga ito para maging anak. Dahil doon ay labis ang nakikitang saya ni Alianna sa mukha ng kapatid. Malungkot din sya para kay Noemi na gusto rin sana magkaroon ng masasabing tahanan. Kaya naman sa bahaging yoon ay labis syang na-giguilty.




At masaya dahil sa wakas ay magkakaroon na ulit ng magandang kinabukasan si Aira. Makakamit na ulit nito ang layaw na dating meron ang kapatid.





Ngayon nga ay nagpapaalam na itong si Aira sa mga tao sa ampunan. Ngunit di parin maalis ang bahagyang kayabangan nito.





"Oh paano bayan aalis nako kasama ang bagong mommy at daddy ko. So sino ngayon ang nagsasabing hindi ako maaampon. Kung sino pa yong sinasabi nyong ampunin ay sya pa yong di napili...."




Pagmamayabang na turan ni Aira sa mga kabataan sa ampunan.






"Dapat nga ay magpasalamat ka nalang kesa magmayabang ka dyan. Baka mairita ang mga umampon sayo at ibalik ka rito."





Naiinis na turan ni Noemi kay Aira. Ngunit dedma lang si Aira rito dahil mas nangingibabaw ang kasiyahan nitong nadarama. At Sabay sulyap sa mangiyakngiyak na si Alianna.





"Magiingat ka doon huh Aira, magpakabait ka sa kanila at lagi mong susunduin lahat ng mga gusto nilang gawin mo."





Naiiyak sa sabi ni Alianna kay Aira. Pero sa halip na sagutin ito ay bumuntong hininga lang ang isa at mistulang pinatirik ang mga mata sa ere.




Ilang minuto lang ang lumipas ay tinawag na si Aira nila Mrs. And Mr Esteban. Tinatanaw nalang ni Alianna ang papalayong sasakyan ng mga ito lulan si Aira.



"Uy......! Kung nagsasalita lang ang lamesa na yan hula kong sabihin nyan sayo na bigat na bigat na sya sa pagpangalumbaba mo dyan."



Sinulyapan lang naman ni Alianna si Leonard na nakangiti sa harap nya. Halos isang linggo na kasing wala doon si Aira. Kaya di maiwasan ni Alianna na malungkot at isipin ang kapatid




"Oh buko juice ng tumamis naman ng kaunte yang malungkot mong labi. Nakasimangot nalang buong araw eh..."



"Pasensya kana huh, nag aalala lang ako kay Aira, kamusta na kaya sya doon kina Mrs. Esteban?"




"Don't worry Alianna, napaka tough kaya ng kapatid mo. At tyak akong OK lang sya kasi nga diba mababait na tao naman sina Mr and Mrs Esteban."



Sa sinabing iyon ni Leonard ay parang gumaan ang pakiramdam ni Alianna at sa wakas ay may sumilay na ring ngiti sa mga labi nito.



"Yan....! Edi ngumiti ka rin. Kala ko pa naman kailangan pa kitang kilitiin para lang mapangiti kita eh."



"Salamat huh! At least kahit papano alam kung maayos si Aira doon. At salamat sa buko ngayon ko lang napansing mabait ka rin pala!"



Pagbibiro ni Alianna sabay tawa ng pagak na ikinangiti naman ni Leonard.


"Aba'y mabait naman talaga ako huh at gwapo pa! Oh saan ka pa nyan!"



My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon