chapter #28

1.6K 30 0
                                    


Anna's PVO


Dahil sa Hindi na ako nakatulog pa ay minabuti kung tuluyan ng bumangon at maganda nalang ng maaalmusal ng mga tao sa mansion.

Nagluto ako ng aroscaldo, at habang pinalalambot ko pa ang malagkit ay nag bake ako ng home made muffins na itinuro sakin ni mama Lucia. Choco and cheese muffins ay masarap pag may aroscaldo. Kaya yon ang niluto ko.

Dahil alam kung hindi pa ako makakatulog kaya dapat pagurin Ko ang aking sarili. Dahil matapos ang mahabang pagpapagod ay tyak akong babagsak ang aking katawan at mahabang tulugan ang mangyayari.

Pasado alas singko na ng lumabas si Nana Belen kasama si Choleng. At laking gulat ng mga ito ng makita akung nasa kusina.

"Goodmorning! Nana Belen, Choleng!" Masiglang bati ko sa kanila.

"Aba'y bakit gising kanang bata ka? ."

"Diba po dapat nagpapahinga pa kayo mam?" Si Choleng na parang namamalikmata parin.

"Naku Nana Belen OK lang po kasi nung nagising po ako ay hindi na ako madalaw ng antok kaya naisipan kung pagluto nalang ang lahat ng almusal. Ok lang ako Choleng salamat."

"Hmmmm, mukhang masarap po ang mga iyan! mam."

"Oo nga Anna, marunong ka palang magluto at mag bake nyang anu tawag dyan?"

"Mga muffins po ito Nana Belen, at opo marunong po akung maluto dahil sa mama Lucia ko."

"Lucia?" Ulit ni Nana Belen, ewan ko pero parang nakita kung nag isip pa si Nana Belen sa pangalan nabanggit ko.

"Ang mabuti pa po ay tikman nyo ang mga iyan, para po mamaya ay yan nalang po ang ihain nyo kina Don Leon at sa mag anak."

"Aba'y matutuwa nito si Leon natitiyak ko yan. Naku kung ikaw ba naman ang napangasawa ng ---

" Nana Belen may aroscaldo rin po dito baka gusto nyo!"
Singit ko kay Nana Belen na muntik ng madulas sa sinasabi.

Alam kung nakuha ni Nana Belen ang pag singit ko sa sinasabi nya. Kaya naman agad nitong Sinilip ang aroscaldo na niluto ko.

"Anu pong napanga-- napangasawa po ba yon namang Belen?" Tanong ni Choleng. Oh my gosh!

"Anu kaba naman Choleng ke- aga aga nang uusisa kana. Ang mabuti pay tingnan mo kung dumating na Yong dyaryo at mamaya babasahin iyon ni Leon."

Kita kong napakamot sa batok si Choleng. At salamat naman dahil nakalusot kami ni Nana Belen.

"Naku pasensya kana huh Anna, ganito yata talaga pag tumatanda na. Nakakalimot at padalos dalos na sa mga sinasabi."

"Naku Nana Belen OK lang po yon, pero nangangamba lang din po ako dahil alam ko pong hindi naman maitatago ito ng matagal."

"Tiis tiis lang Anna, at nakikita kung malulusutan nyo rin ito."

Tumango lang ako kay Nana Belen. Ang tanong kasi pag nalusutan ba namin ito anu ng mangyayari? Clueless ako dahil ayaw ko mang isipin ay tyak na makikipag divorce si Leo. Dahil meron syang ibang mahal na talagang balak pakasalan.

At napansin ko mula sa siwang ng kurtina sa kusina na nagliliwanag na pala. At ng tingnan ko ang orasan ay umaga na nga talaga. Lumabas na din si Mayet mula silid ng mga kawaksi. At gaya ng dati ay mabigat parin ang loob nito sakin. Haysss you cannot pleased everyone Anna yan ang tandaan mo. Turan ko sa sarili ko.

My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon