Maine's
📍Coffee Shop
"Aga aga ha. Kastress kayo" sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ang mga kabataang naglalampungan sa coffee shop ko.
Rineady ko na yung inorder nila espresso at cheesecake. Tsaka nilapag ng tahimik sa kanilang table.
Umalis na din ako agad. Baka kung ano pang masabi ko. Hayaan mo na maine, 23 na bukas. Magbrebreak na sila. Mga kabataan nga naman, ang pupusok.
"Ma'am ang aga nyo nagbukas ah" sabi ng isa kong employee habang nagsusuot ng apron.
"Late ka lang." Napakamot naman sya sa kanyang ulo. "Osya ikaw na muna mag serve ng orders ako na muna dito sa cashier. Wala pa yung iba eh" tumango naman sya at umalis na sa harap ko.
Val Calling....
"Hello teh" sabi ko sa kabilang linya.
(Ano? G ka na ba mamaya?)
"Anong oras ba yan ha"
(6 besh. G ka na. Miss na kita)
Napatingin naman ako sa orasan ng coffee shop at napaisip.
"Ay di ako pwede nun 5 to 8 ako sa radio station. Next time na lang" sabi ko at binaba na ang tawag. Mangungulit pa yon pag di ko binaba. Pero sa totoo lang pangumaga talaga ako. Di ko lang talaga trip na sumama kay val ngayon.
May pumasok naman na ibang tao at umorder saakin. Medyo kilala ko sila kasi madalas sila dito sa coffee shop ko.
"Tatlong amerikano miss"
Sinabi ko naman yun sa isa kong trabahador sa kitchen. Pagkatapos ay linagay na nito ang timplang kape sa may counter.
"Kish, dun sa tatlong lalaki tong amerikano." Tumango naman yung empleyado ko at sinerve na yung order.
Lumapit naman saakin si kish.
"Ma'am hinihingi po nung isang lalaki yung number nyo" napakunot naman ako ng noo.
"Dont mind him. Magtrabaho ka na lang" Ganoin! Dedma lang. Sus, lolokohin lang ako nyan. Walang lalaking matino. Lahat di nakukuntento!
Pagdating nung isang empleyado ko. Ay pumunta na lang muna ako sa kitchen. Bahala na sila magswitch dun sa waiter at cashier.
"Palinis naman nito kuya. Madami dami na yung nasa labas." Turo ko sa mga tasang nasa lababo.
"Yes ma'am"
Lumabas na lang ako ng kitchen at nakita ang lalaki na kinukulit yung empleyado ko sa cashier.
"Miss" umayos naman sya ng makita ako."Pwede bang mahingi number mo?" Inirapan ko na lang ito at kinuha ang bag ko.
"Kish, ikaw na muna bahala dito. Babalik na lang ulit ako mamaya." At lumabas na ng shop. Tinawagan ko naman yung manager dun at pinabilisan ko ang pagpunta nya sa coffee shop kasi aalis na ko.
"Miss. Your number please? Wag mo naman akong snobbin" ang kulit naman nitong lalaking to!
"Number ng tatay ko. Gusto mo?" Pagsusungit ko at pumasok na sa kotse ko. Kinakatok nya naman ako sa bintana.
Binuksan ko na yung bintana ko sa sobrang inis.
"Ano ba?"
"Number please?" Sabi nito. Napairap naman ako at kumuha ng papel atsaka sinulat ang number 8. Binato ko na yung papel sa labas at hinarurot na ang kotse bahala sya.
Natatawa naman akong tumingin sa side mirror ko at nakikita ko syang napahawak sa batok ko. Sino ba naman kasing tao na ang number sa phone ay 8?
Try nyang tumawag na 8 lang yung number.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fiksi Penggemar*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT