Alden's
📍Condo
Paano kumalma? Now, na any time maraming pwedeng mangyaring di mo inaasahang mangyari. Katulad ng may nagpasabog ng granada sa tapat ng shop ni maine kanina. Pano kung siya lang mag isa dun diba? Jusko naman.
Kaya ngayon pinilit ko ulit si maine na dito muna ako matulog sa condo niya. Syempre kailangan kong maging sigurado. Ayoko naman na may mangyaring masama sa kanya no. Ayokong mawalan ng mahal sa buhay.
"Yes tay, okay po kami dont worry"
Rinig kong sabi ni maine habang kausap ang tatay niya sa kabilang linya.
"Opo. Magiingat po ako. Ingat din kayo tay. I love you po"
"Ako ba? Love mo din ako diba?"
Tumingin naman siya saakin at inirapan ako.
"Alden naman. Kausap ko tatay ko respeto naman"
"Sorry my love"
"Tsk.. sige na po tay. Bye na po. Ingat po kayo dyan"
Binaba nya na ang telepono at tumabi saakin sa couch. Binuksan niya ang isang aluminum foil na tinake out namin kanina. Mas ginusto kasi namin na dito na lang kami kumain kasi mas safe dito. Kesa sa labas baka kung ano nanaman mangyari.
"Mr. Paranoid. Kain na tayo, baka kung ano nanaman yung naiisip mo"
"Di mo naman ako masisisi no. Di naman masamang protektahan ka diba?"
"Oo nga po. Sabi ko nga"
Kumain lang kami ng kumain pag tapos non ay agad naman kaming naglipit.
Knock knock
"Ako na maine. Ako na"
Pagprepresenta ko. Dumaretso naman sya sa kitchen at ako naman ang pumunta sa may pintuan at binuksan.
"Ay sir. Si miss mendoza po"
Tanong ng guardya sakin.
"Nasa loob bakit?"
"May package po kasi sya eh"
"Boyfriend nya ko. Akin na"
Binigay naman saakin ng guardya ang isang box. Una ay inalog alog ko ito at napansing mabigat. Pinakinggan ko pa sa loob buti na lang at walang natiktak. Hinatak ko naman ang ribbon at binuksan ang box.
"Pucha"
Gulat kong sabi at sinarado agad ang box na may lamang patay na manok.
"Bakit po sir?"
"Tapon nyo na yan." At binigay sa kanya ang box.
"Pero sir-"
"Aldeeeeen. Ang tagal mo naman sino ba yan"
Lumapit naman saakin si maine at binuksan ng maluwag ang pinto.
"Manong. Ano pong meron?"
"Ma'am may package po kayo"
Kinuha naman iyon ni maine at akmang bubuksan ng pigilan ko.
"Maryosep maine. Wag mong bubuksan, pakiusap"
"Huh? Ang wierd mo. Package ko to huy"
"Maine. Sundin mo na lang ako please"
"Ano ba alden!"
Inis na sabi ni nito at binuksan ang box. Agad nya naman iyong nabato dahil sa nakita at nagkalat ang manok may dugo pa.
Agad ko naman siyang niyakap pagkatapos noon at binaon ang ulo nya sa dibdib ko para di na makita ang manok.
"Pakilinisan na lang po."
Agad kong sabi sa guardya at pumasok na kami ni maine sa loob. Doon ko naman simulang narinig humagulgol ng iyak si maine.
"Bakit ako nakakarecieve ng sunod sunod na threats? Ganon na ba ako kasama kaya gusto nila akong mamatay?
"Maine, you know to yourself how kind and great person you are. Wag ka na umiyak please"
"Eh kung ganon ako bakit may threats? "
Umiling na lamang ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Stop crying na maine"
Pero di niya ako pinakinggan at umiyak pa din sya ng umiyak. Kaya binuhat ko siya at pinatong sa isang blanket tsaka rinoll na parang sushi. Nakita ko kasi sa internet na ganto daw ang gagawin dapat para mapasaya ang tao. Dahil nga para na siyang taong sushi na nakabalot sa blanket at hindi na siya makatayo ay binuhat ko siya papunta sa may couch.
Iniwam ko muna siya doon at pumunta sa kitchen para kumuha ng ice cream, her comfort food.
Tsaka tumabi sa kanya at yinakap siya sa side.
"Why are you doing this?"
Binuksan ko ang isang gallon ng ice cream at sinandok gamit ang isang kutsara.
"I dont want you breaking down to tears maine. Im feeling so stupid about myself because i do nothing. I love you maine, and i know you know what i mean"
Nginitian niya lamang ako at sumandal sa balikat ko.
"Gusto mong manuod ng movie?"
Umiling lamang ito at bumuntong hininga.
"Ice cream lang sapat na"
"Eh pano ko?"
"Anong gusto mo? Ikaw lang sapat na?"
"Oo pwede ba?"
"Hmm"
Ngumiti lamang ako at niyakap pa sya lalo ng mahigpit.
"Alam mo sa sobrang higpit ng yakap mo parang di na ko tatablan ng kahit anong bomba"
Tumawa naman siya at natawa na din ako. Ayan nanaman sya sa parang hihikain niyang tawa. Nakakatadala.
"Pero maine, about kanina."
"Ano yun?"
"Yung saatin.yung sa ating dalawa"
"Hmm?"
"Di kita minamadali ah. I can wait naman eh. Willing to wait nga eh diba"
Tumango lamang sya at pumikit.
"Ahh"
"Ahh"
Sinubo ko na sa kanya ang kutsara na may lamang ice cream at ngumuya sya habang nakapikit pa din.
"Na cucurious lang ako. Kasi di ko alam kung bakit mo nagagawa lahat ng to eh. Bakit ako? Bakit ako yunh minahal mo?"
Napatigil naman ako doon at tumingin sa kanya na ngayon ay nakatingin na din pala sya saakin.
"Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam"
"Ha?"
"Hindi ko alam eh. Hindi ko alam kung bakit kita mahal. Basta pag gising ko, hinahanap ka ng mga mata ko. Tas nung nakita kita, dun ko narealize na mahal na pala talaga kita. Na di ko kayang mawala ka. Na kaya kong masaktan wag lang ikaw. Na-"
"Shh tama na. Madrama na eh."
Tumawa naman ako dahil sa pag pipigil niya saakin.
"Pero. Kahit na di ko madescribe kung gaano kita kamahal. Kaya ko namang ipakita kung gaano kita kamahal"
"Ha?"
Linapit ko naman unti unti ang mukha ko sa kanya.
"Ganto"
At unti unti na nga nag dikit ang aming mga labi. Labing napakalambot na kahit kelan hinding hindi ko makakalimutan. Mga labing matamis at kahit kelan ay di ko pagsisisihang natikman. Halik ng pagmamahal na minsan ko lang matikman
"I love you maine. Always and forever"
"I love you too alden"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT