Chapter 60

1.8K 69 1
                                    

Maine's

📍Condo

Hinayaan kong magusap sila tatay, nanay at alden. Ayun kasi ang gusto ni tatay kaya go lang. Lalapitan ko kasi sana sila kanina pero sabi sila daw munang tatlo. Kaya nagtungo ako sa kitchen na agad kong pinagsisihan. Mga bastos!

"Respeto naman sa buntis oh. Get a room guys"

"Pasensya naman." Natatawang sabi ni jerald at umayos sila ng upo.

"Nandito pala kayo. Hindi kayo nabanggit ni alden"

"Sa sobrang kaba siguro. Eh pag kakita kay tatay pinatuloy agad sabay talikod eh."

"Oh? Eh bakit dito kayo nagmimilagro? Aware naman kayong may tao sa paligid nyo ano?" Pagsusungit ko.

"Eh si je kasi" pabebeng sagot ni valeen.

"Hihi" landi walanya. Sarap hampasin ng kawali.

"Gusto niya daw agad magkapinsan yung anak mo"

Juskolord. Patawarin mo nawa sila.

"Manang mana kay alden ah. Parehas kayong maharot"

"Eto naman hindi naman."

"Osya. Bili nyo na lang ako ng ramen sa labas dali."

"Ha?" Sabay na tanong nung dalawa.

"Sige na bili nyo na ko ng ramen"

Napakamot naman ang dalawa at napilitang lumabas.

Valeen's

📍Outside

"Walanya naman yang kapatid mo. Ginawa tayong utusan"

"Eh ikaw kasi eh. Harot harot mo"

"Ako pa. Eh ikaw nga yung nag tanggal nun- . . . Sorry po"

Sabi ni jerald at inalalayan ang matanda na may dalang aso.

"Sige na sige na" pagsusungit nung matanda at nilayasan kami.

"Aba lola salamat po ah. Youre welcome din po"

"Eto naman. Lola eh hayaan mo na" panunuway ko.

"Eh yun eh. Yun oh"

"Shhm tara na"

Nakarating kami sa isang ramen house na malapit dito. Bumili na si je habang ako naman ay nakaupo lang dito.

"Hi miss"

"Miss"

"Miss" kalbit nito sakin. Tumingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Hi miss" tumango lamang ako at hindi na pinansin.

"Snobber naman" bulong nya sa sarili. Pero hindi ko na pinansin. Feeling close si koya.

"Miss. Kasi yung isa kong kasama pag pasok mo pa lang nakuha mo na atensyon niya. Ang ganda mo daw kasi. Kung pwede daw hingin number mo"

"Number ng jowa ko gusto mo?"

"Ay pare may boyfriend" lingon nito sa kaibigan niya. Tinignan ko naman ito at nagsisi sa pag tingin dun sa kaibigan niya. Mas gwapo pa din je ko. Mukhang pinulot.

"Kakasabi ko lang diba. Layas na" pagtataboy ko sa kanya.

"Babe. Tara na" aya ni jerald sakin. Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya.

"Ayan boyfriend mo? Panget naman eh"

"Ano ka pa tanga. Tara na nga babe" inis na sabi ko dito at hinila na palayo si jerald. Nagsimula na kaming maglakad papuntang unit.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon