Chapter 56

1.7K 74 4
                                    

Dedicated to: AtengBanal
Thank you sa pagsubaybay! Love you all❤

Maine's

📍Hospital

"Nay, tay. Val" nagmano naman ako kila nanay at tatay. Nandito kami ngayon sa room ni alden. Kasama din sila tito at tita.

"Kamusta?"

Umiling lamang ako at muling umupo sa upuan katabi ang kama na pinaghihigaan ni alden.

"Mare" Lumapit naman doon sila nanay at nagbeso tsaka nakipag usap sa kung ano man.

"Mainegirl." Tawag saakin ni val at yinakap ako.

"Kaya nyo yan okay? Nandito lang ako lagi para sainyo"

Nanatili akong nakatulala at lutang. Ewan ko ba. Pero iba kasi ang pakiramdam ko sa ngayon. Para akong bibigay na hindi ko maintindihan.

Tumayo ako at napaupo muli ng makaramdam ng hilo.

"Maine..."

Tumingin lamang ako kay val at hinintay ang sasabihin niya.

"Wag ka namang ganyan please"

"Anong gusto mo? Magpa party ako?"

"Maine" pananaway saakin nila nanay.

"Sorry"

Tumayo na muli ako at napahawak sa gilid dahil nahihilo na talaga ako. Agad naman akong inalalayan ni val.

"San ka ba pupunta? Magpahinga ka muna please?"

"Kailangan kong asikasuhin yung school ni alden. Mauna na ko"

"Maine, magpahinga ka muna. Ilang linggo ka ng ganyan" tumingin ako sa gawi nila tita.

"I can handle tita"

Hinalikan ko muna si alden bago ako lumabas ng room nya. Its been two weeks. Two weeks na siyang nakahiga doon at kami naman na two weeks na sing naghihintay sa kanyang pag gising. Two weeks na din na paulit ulit na lang ang nangyayari. Two weeks na akong umaasa na sana bumalik na sa dati ang lahat.

Ayan kasi eh, sinanay mo ko. Ayan tuloy hinahanap hanap ko ang presensya mo.

Kahit na lagi ko siyang nakikita kulang pa din. Galaw galaw naman alden diba? Miss na miss na kita. Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan pero parang 20 years ka ng nakahiga dyan sa lintek na kama na yan.

Pumunta ako sa parking at sumakay sa hilux nya. Ako na ang gumagamit nito simula pa nung isang araw. Nasira kasi yung kotse ko dahil sa sobrang kalasingan ko nabunggo ko sa pader ng parking ng unit ko.

Kumuha ako ng beer na naka stock sa likod at binuksan. Tinungga ko ito ng daretso bago magdrive papunta sa eskwelahan ni alden.

📍School

"Miss Maine"

Bati saakin nung guardya. Sumaludo lang ako at pinark yung kotse. Maraming estudyante sa labas. Kaya tinignan ko ang oras. Recess na pala nila.

Agad akong bumaba at naglakad na papunta sa opisina ni alden.

Two weeks na din ng magiba ang schedule ko. Dito ako simula umaga hanggang hapon. Tas pagtapos ko dito daretso na ako sa radio station. Pagtapos ko sa lahat ng trabaho ko sa hospital na ako tutuloy at paulit ulit na yun. Naging responsibilidad ko na din itong school ni alden. Ayoko kasi na pag gising nya magulo ang lahat. Gusto ko pag gising niya parang katulad pa din ng dati. Walang nagbago.

"Miss Maine" tumingin ako sa baba ng makita ang batang babae na hinihila ang baba ng damit ko. Sya yung batang babae na nilalaro ni alden nung bumisita ako sa kanya dito dati.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon