Chapter 3

3.4K 118 2
                                        

Maine's

"Shit"

Bigla namang namatay lahat ng ilaw. Walanya anong nangyari?

"Val? Asan ka?" Sabi ko habang kumakapa sa dilim at hinaganap ang counter.

Ng makapa ko ang counter ay kinuha ko sa ilalim ang bag ko at kinapa ang phone ko. Kinuha ko naman ang phone ko at binuksan ang flashlight.

Inikot ko naman ang paningin ko at hinanap si gluta boy.

"Gluta boy asan ka?"

"Hoy bakla"

"WAAAAAAAH! WALANYA" gulat ko ng bigla akong ginulat ni gluta boy. Bigla ba namang lumutang yung mukha sa may liwanag ng flashlight ng phone ko.

"Scared?" Natatawa nyang sabi.

"Nakakatakot mukha mo" at inirapan sya. "Try mo kayang gamitin yung phone mo pang flashlight no" inis kong sabi dito.

"Nalowbat kanina" napairap na lang ako sa sinabi niya.

"Tapon mo na cellphone mo. Walang kwenta"

"O san punta mo?" Tanong nya ng maglakad ako palayo.

"Edi sa kitchen. Checheck ang generator" at tumalikod muli at naglakad na papuntang kitchen.

"Val! Langya buksan nyo yung pinto" sigaw ko at triny ulit buksan. Bumalik na lang ako sa may pintuan at buti na lang bukas.

"Shit talaga" sigaw ko ng biglang umulan. "San ka pupunta?" Tanong nya ulit.

"Sa likod. Bubuksan yung pintuan sa kitchen. " sabi ko at kinuha ang payong sa gilid ng pintuan. Tumayo naman sya at sumunod sakin.

"Samahan na kita. Baka malampa ka. Kawawa ka naman" di ko na lang sya pinansin at lumabas na at pumunta na sa likod.

"Shit talaga!" Napapikit na lang ako ng madulas ako.

"Nakakailang shit ka na?" Napamulat naman ako ng magsalita sya. Kala ko mahuhulog na ko sa daanan.

"Ayan na sinalo na kita. Okay ba?" Tumayo naman ako bigla ng kindatan nya ko. "Che!" Sabi ko at tumalikod na. Narinig ko naman syang tumawa.

"Cut! Good acting guys!" Rinig kong sabi ni val. At binuksan na ni jerald ang generator kaya nabuksan ulit ang ilaw ng coffee shop.

"Walangya kayo" inis na sabi ko at pumasok na sa loob ng shop.

"Hoy madulas ka ulit" sigaw saakin ni gluta. Kainis!

Pagpasok ko ay nilock ko na ang pintuan sa kitchen yung daan pa labas at yung dito sa loob. Kinuha ko na yung bag ko at sinarado ang pintuan papasok ng shop.

"Maine" natatawang tawag sakin ni val. "Che" sabi ko ulit at sumakay na ng kotse.

"Bye maine. Ingat ka " natatawang sabi pa ni val. "Grr" sabi ko at stinart na ang kotse at hinarurot tsaka nag drive pauwi.

Walangya napagtripan pa ko.

☆☆☆

📍Condo

Walangya nalindol ba? Bat nauga yung kama?

"Morning maine" rinig kong sabi ni val. Nagtalukbong naman ako ng kumot. Inaantok pa ko.

"Hoy babae gising na" pananaway nya sakin. Tinignan ko naman yung phone ko kung anong oras na.

"Nak ng val! 5:30 pa lang oh" pagrereklamo ko at dumapa sa kama. Matutulog ulit ako.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon