Chapter 57

1.7K 78 6
                                    

Maine's

📍Hospital

Minulat ko ang mga mata ko at unang nakita sila nanay at tatay na nakatingin lamang saakin.

"Nasan ako?"

"Youre at the hospital maine" mahinang sagot ni valeen na nakayuko sa tabi ni jerald.

"Dalawang buwan pa lang kayo, may laman na agad yan? Im so dissapointed, maine!" Galit na sabi ni tatay. Napakunot naman ang noo ko. At napatingin kay nanay na umiiyak sa tabi. Kakagising ko lamg ganto agad ang bungad saakin? Ano bang meron?

"Po?"

"You are 2 weeks pregnant, maine. I cant believe this will going to happen!..."

"....You and alden were just in 2 months relationship! Bakit ka agad bumigay. Dalawang buwan pa lang kayong nagsasama pero binigay mo na. Anong klase ka. Edukada kang babae, magandang school pa ang pinasukan mo. Pero anong nangyari? Bakit nagkaganto?!"

Huh? Dont tell me..

"I can't u-"

"Nagpabuntis ka sa dalawang buwan mong karelasyon maine!! Pabaya ka!"

"Ano to tay? Pinapamukha mo po sakin na ibang klase akong babae? Na talandi ako kasi binigay ko agad sa kanya? Naisip niyo po ba tay kung bakit ko ibinigay? Ibibigay ko po ba sa kanya kung di ko siya mahal? Kung hindi ako sigurado sa kanya?" Pinahid ko ang luha ko at tumayo sa kama.

"Pasensya na po tay, nay, val. Pabayang babae po kasi itong nasa harap niyo eh..."

"Maine, tahan na. Bawal sayo ang mastress"

Lumapit saakin si val at yinakap ako. Tinaggal ko naman iyon. "Sorry"

Tsaka umalis na. Dumaretso ako sa parking at sumakay sa hilux ni alden.

Papa God, bakit naman po sunod sunod ang challenges na ibinigay nyo sakin. Dahan dahan lang po please. Baka po hindi ko kayanin. Baka po bumigay ako. Ayoko naman pong mangyari yun, gusto kong pagbalik niya ayos pa din ang lahat. Walang magbabago, kung meron man. Yung magkakaanak na kami. Yun lang po, yun na yun.

Dahan dahan akong nagdrive sa kung saan. Kailangan kong mag isip isip.

📍look out

Bumaba na ako sa look out ng lugar namin.

"I wish you are here alden" bulong ko sa hari at pumikit tsaka dinamdam ang hangin.

Yung 2 weeks na wala ka ang laking impact. Iba pa din talaga kapag lagi kang nandyan. I need your presence, my love. Im dead missing your presence so much. Balik ka na please.

"Baby, dito ka nagsimula" hinawakan ko ang tyan ko habang nakatanaw sa ibaba.  Dito ka nabuo. Dito ka namin nagawa.

"Wag kang mag alala. Hindi ka kasalanan. Nagmamahalan kami ng tatay mo na binuo ka" kahit hindi man ito ineexpect, tatanggapin kita. No matter what happend. Kahit anong mangyari baby.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko si alden. Hindi nga ito planado, pero... pano si alden? Pano kung di niya tanggapin itong anak namin? Pano kung hindi pa siya handa?

Basta basta ang ginawa namin. Ginusto din naman namin yung mga nangyari. Sana naman matanggap niya itong anak niya. Kahit dalawang buwan pa lang kami nagsasama, madami na din naman kaming napagdaanan. Dun pa ba sa point na yun siya sususuko?

Bat ko ba iniisip to? Chill lang maine. Wag kang magpastress bawal sayo yun diba.

Tumunog ang telepono ko at sinagot ang tawag ni valeen.

"Valeen?"

(Maine. Jusko nasan ka nanaman? Hinahanap ka nila nanay at tatay)

"Bakit?"

(Anong bakit? Natural, kung saan saan ka nagsusuot tapos buntis ka pa. Maine, balik ka na dito please. Nagaalala na kaming lahat sayo)

"Sabihin mo sa kanila tigilan na nila ang paghahanap nila saakin at umuwi na. Diba pabaya ako, masanay na sila"

(Maine naman)

"Ingat kayo"

(Maine, dont drop the call. I have something to tell you)

"Ano yun?"

(Sabi ni tita, gumalaw daw kanina yung isang daliri ni alden. He is responding na maine. Mas malaki na ang percentage na mabuhay ang jowa mo)

Nakangiting napaluha ako na agad kong pinunasan.

"Thats good. Bibisita ako mamaya"

(Now na)

"Com'on valeen. Umuwi na kayo)

(Fine, pagpasensyahan mo na sila nanay at tatay. Nabigla lang siguro. Balik ka dito agad ha)

"Pasensya na din val if i was wearing my stupid attitude these past few days."

(Okay yun. Ingat ha)

"Kayo din"

Pinatay ko na ang tawag at muling tumanaw sa paligid ng makarecieve ako ng text kay frankie.

Nagmamayabang na mabilis daw nyang nakuha ang matamis na oo ni leila. Kala mo naman gwapo. But, nag congrats na lang ako at pinatay ang phone ko.

Pano kaya kung magpakalayo layo muna ako para makapag isip ng maayos?

Pero, bakit may paglayo? Di ko kayang mawalay kay alden at sa pamilya ko. Kahit na iba ang tingin nila sakin, magulang ko pa din sila.

Muling pumasok sa utak ko ang tsansang hindi mantanggap ni alden ang anak namin. Pano kung ayaw nya ng ganto diba? Pano kung ayaw nya magkaanak? Pano kung iba ang gusto nyang mangyari saaming dalawa? Pakshet.

📍Hospital

Bumalik na lamang ako sa hospital at dumaretso sa kwarto niya. Pagpasok ko ay may mga doctor at nurse na nakapaligid sakanya sila tito at tita naman ng makita ako ay agad akong niyakap.

"Ano pong nangyayari? Bakit po?"

"Nagmulat si alden iha" Yinakap ko sila ng mahigpit.

"Congrats iha. Pasensya na kung may pagkaka hindi pagkaunawaan kayo ni balae. Maayos din yan. Pasensya na din sa anak ko. Hapit na magkaanak eh, matagal nya ng sinasabi yan"

Agad akong napangiti at mas lalong hinigpitan ang yakap at muli ay humiwalay.

"Thank you, thank you po"

"Thank you din. At makakasama namin ng matagal ang apo ko"

Ngumiti naman ako sa kanila at tumingin sa mga doctor matapos examine si alden.

"Sige na iha." Sabi ni tita. Agad akong lumapit kay alden habang kinakausap nila ang doctor.

"Love? Naririnig mo ba ko? I love you. Forever and always diba?"

"Love... two weeks kitang hinintay magising. Mabuti naman at hindi mo pinatagal ang pagtulog mo. Miss na miss na kasi kita eh"

Hinalikan ko ang mga noo niya. Nanatili lang siyang tulala at ginagalaw ang bibig nya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"

"S-s-s-in-no k-ka?"

Nauutal nitong sabi.

"Ano yun love?"

"S-sin-o k-ka?"

Napatingin ako kila tita ng marinig ang mga katagang iyon. Bakit ngayon pa? Pakshet. Napalunok ako at napapikit pinipigilang hindi bumaba ang luha.

"Uhm. Tito, tita. Bibili lang po ako ng pagkain sa labas? Baka po nagugutom na si alden" aligaga kong sabi at hinawakan ang bag ko.

"Iha..."

"Okay lang po ako tita. Sige po. Bibili na po ako ng pagkain"

Mabilis akong lumabas sa kwarto niya at napaupo sa labas.

Pakshet. Ang sakit.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon