Chapter 5

3.2K 119 2
                                    

Alden's

Natapos na din kami sa wakas. Nakakuha na kami ng coffee beans, cocoa, gatas ng kalabao, itlog, at kung ano ano pa. Pati asukal inani din namin. Na ngayon ay nakalagay na sa likod ng hilux ko.

Ngayon naman ay hinihintay ko si maine sa labas ng bahay ni mang ernibg binabayaran nya na yung mga naani namin sa planta.

"Salamat po mang erning" rinig kong paalam nito.

"Salamat din iha. Sa uulitin ha." Sabi ni mang erning at nag bless na si maine at nagbless na din ako. "Iho alagaan mo si maine ha" dagdag pa nito.

Ngumiti naman ako kay mang erning.
"Makakaasa po kayo" sabi ko at kinindatan si maine.

Kinurot naman ako ni maine at natawa dahil nanggigil sya. "Paalam po" pagpapaalam nya sa mga taga planta.

"Ingat ate maine. Laro tayo next time ha" sabi nung bata. "Oo naman, next time" sabi ni maine at ginulo yung buhok ng bata.

Sinusundan ko si maine sa paglalakad ng bigla syang natumba.

"Aray. Pakshet" sabi nito at ang paa nya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko at chineck ang paa nya.

"Ang tanga nung bato di umilag nakitang dadaan ako. Napatid tuloy ako" pagmamaktol nito. Nakita ko namang biglang namaga yung paa nya.

"Lampa talaga" bulong ko. Bigla naman akong nakarecieve ng hampas mula sa kanya.

"Narinig ko yon ah" sabi nito at nagmaktol. "Kaya mo ba maglakad?"

"Sa tingin mo" pagsusungit nya nanaman. Napakamot ako sa batok at binuhat sya.

"Wag kang magulo kung ayaw mong mahulog" at naglakad na kami papunta sa pinagparkan ko ng kotse.

Binaba ko na sya ng mabuksan ko ang kotse at inupo sya sa may shotgun seat. Sumakay na ako sa may driver seat at stinart ang kotse.

"Pagkauwi i-hot compress mo yan ha tas igulong mo sa bote" tumango naman sya at sumandal sa bintana.

Habang nasa daan na kami ay biglang may tumawag sakin.

Jerald calling....

Accept | Decline

"Hello je"

(San na kayo?)

"Kakalabas lang ng pelangi. Pa highway na"

(Aba napa sarap ah)

"Siraulo ka. Hintayin mo ko sa coffee shop. Marami raming bubuhatin"

(Kanina pa kami dito ni val sa coffee shop naghihintay sainyo)

"Wala ba kayong trabaho?"

(Meron. Masama mag half day?)

"Mawalan ka ng trabaho bahala ka"

"Osya baba ko na to nagdridrive ako" dagdag ko pa at binaba na.

Napatingin naman ako sa gawi ni maine na ngayon ay tulog na.

"Malaanghel na mukha. Amazona ugali" bigla kong sabi at naalala nanaman yung nangyari imagination ko sa may farm habang nagpipiga ng dede ng kalabao.

Napangiti na lang ako bigla. Nasisiraan na ako ng bait walanya.

☆☆☆

📍Coffee Shop

"Maine, dito na tayo" gising ko kay maine. Napatingin naman sya sa may bintana agad at nakitang palubog na ang araw.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon