Maine's
📍Condo
"Sheeeet"sigaw ko at dinial ang number ni val.
"Val sumagot ka jusko. Isusumpa talaga kita pag di mo sasagutin to" pagmamadali kong sabi habang dinadial ang number ni val.
"Hello val"
(Oh? Nasan ka? Anong oras na. Ilang oras na ng matapos ka sa radio station hanggang ngayon wala ka pa sa shop.)
"Bumili ka ng napkin, tsaka choco butternut. Hawhaw na din tsaka mikmik. Bilis" naiirita kong sabi at binaba na yung tawag.
Nagpalakad lakad naman ako sa sala habang hinihintay si val.
"Ang tagal ni val. Mauubusan na ko ng dugo dito kakahintay" iritado kong sabi.
Uminom naman ako ng tubig sa kitchen para mahimasmasan. Walanya val konting bilis.
Bat ba kase kamalasmalas ko ngayon? Nawalan ako ng stock ng napkin sa condo, tapos wala pa akong makain na matamis. Huhu why.
Alden calling...
Accept | Decline
(Hello maine? Nasa condo ka?)
"Oh?"
(Ha?)
"Oo"
(Punta ko dyan ah)
"Wala ka bang pasok?"
(Halfday mga estudyante may exam)
"Edi wow"
At binaba na ang tawag. Pumunta na muna ako sa kwarto at humiga. Dibale ng matagusan bed sheet ko naman to. Tch.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng makarating si val.
"Sorry maine. Pumunta pa kasi akong groceries eh. " at binaba sa kama ko yung napkins.
"Palagay na lang sa kitchen nung choco butter nut" utos ko at kinuha ang towel ko.
"Osya aalis na ko. Yung shop mo dumadami na ang tao. Bye" umalis na si val at lumabas na ng condo. Maliligo muna ako.
Alden's
"Ang sungit" nasabi ko matapos namin magusap ni maine. Nagdrive na ako papunta sa condo nya pagkatapos.
📍Condo
Nasa lobby na ako ng nakasalubong ko si val na palabas na ng condo.
"Uy. Bibisita?" Tumango namana ko at ngumiti sa kanya.
"Nako po. Ingat ka. Amazona yun ngayon" natatawa nyang sabi at naglakad na palabas. Di ko na lang pinansin at umakyat na sa unit nya.
10th floor! Tingtingting jk.
Nakarating na ako sa tapat ng unit nya. Kakatok sana pero biglang bumukas yung pinto. Pumasok na lang ako at umupo na sa sala.
"Maine. Uso magsarado ng pinto. Mapapano ka dyan di ka nagsasara" sigaw ko pero no respond.
Binuksan ko na lang yung tv at nanuod habang hinihintay kung ano man yung ginagawa ni maine.
Hanggang sa..
"Ang tagal naman" napatayo na lang ako at pinatay ang tv at nagtungo sa kwarto nya.
"Shit" nakakita ako ng dugo sa kama.
"Maine? Maine? Nasan ka maine?" Still wala pa din respond.
"Maine? Bat may dugo sa kama? Anong nangyari sayo? Nasan ka?" Nagaalalang sigaw ko at nagpabalik balik sa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT