Chapter 54

1.9K 70 0
                                    

Maine's

📍Condo

"Ang dugyot" kumento ni alden ng makita ang pangatlong porma ni frankie para sa pangalawang date nila ni leila. Siniko ko naman ito. Masyadong harsh. Baka maoffend.

"Palit ka ng iba." Agad naman bumalik si frankie sa cr at nagpalit ng iba pang damit.

"Love, bakit nung sinuot ko yun maayos naman tignan sakin?"

"Alam mo ikaw. Tumahimik ka nga. Alam mo naman kung bakit. Tatanong ka pa"

"Bakit nga" pangungulit nito saakin at inamoy ang leeg ko. Ashsgywwgah.

"Love, magtigil"

"May prize ba kapag naging si frankie at leila na?"

"Maawa ka sa pusa. Next time na lang"

"Kinalaman nung pusa"

"Basta" sabay siko sa kanya.

"Prize ha"

Inirapan ko muna ito bago sumagot. "Alam mo bang muntikan na akong ma bedridden dahil sa ginawa mo?"

"Bedridden ka dyan. Eh nakalakad ka naman kinabukasan ah"

"Kung alam mo lang kung paano ako nahirapan non"

"Sus, pero aminin mo nagenjoy ka"

"Hello philippines! And hello world!" Napalingon naman kami sa nakangiting si valeen na ngayon ay nakaupo na sa couch.

"San ka galing? Inumaga ka ata?"

"Enebe"

"Arte arte"

"Eto. Ayos na ba?" Sa kabilang parte naman kami napalingon. Kay frankie.

"Ayos na nga yan" pilit na sabi ni alden.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Oh, hi valeen. May date kasi ako"

"ANO? MAY DATE KAYO NG KAPATID KO? DONT TELL ME ALDEN BINENTA MO SI MAINE KAY FRANKIE?"

Binatukan ko tuloy. Ibenta daw ba ako. Kahit kelan talaga napaka oa magisip.

"Hindi kasi sakin diba. Kay leila"

"Wait, what? How? When? Where? Why?"

Napakamot naman ako ng ulo at nagpigil ng tawa. Loka loka talaga.

"Next time na namin ikwekwento sayo val. Baka malate si frankie sa date nya" sabi naman ni alden.

"Osya. Lumayas na kayo ng makapag pahinga ako. Inaantok na ko, wala pa akong tulog"

Bigla namang kumapit saakin si alden  na parang bata na nagmamakaawa.

"Love, inggit ako. Wala daw syang tulog"

"Edi magpuyat ka"

"Hindi yun.."

"Nag movie marathon daw sila kahapon ni je. Nanuod daw sila ng barbie diba. Edi gayahin mo ng wala ka ding tulog"

"Hindi wag na pala hehe. Tara na malalate pa frankie sa date nya"

Nagpaalam na kami kay valeen at umalis na papuntang fancy. Dun daw ang date nila. Oh diba sosyal. Nasa tapat pa lang kami ng sasakyan ng biglang magsalita si frankie.

"Sige na. Thank you, i can handle this. Kayo naman ang magdate. Mukhang kulang kayo sa bonding eh"

"Hindi naman sa kulang. Bitin lang" pagpaparinig ni alden.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon