Chapter 50

1.9K 72 0
                                    

Maine's

📍School

"Go love. I love you"

"I love you do, i always do"

Hinalikan niya muna ako sa noo bago sya umakyat ng stage para magspeech. Binuksan nya ang isang papel na may mahabang nakasulat. Ako mismo nagprint non wag kayo, dinelete ko pa yun sa laptop nya para surprise talaga yung speech.

"Good day, students, teachers, staffs, and parents. Especially to my better half, hi" tumingin muna sya saakin bago ngumiti. Itong lalaking to, nasa harap ka ng mga estudyante mo oh, harot harot. Nagspesprech na nga lang naharot pa. Actually nabasa ko na kahapon yang speech nyang yan bago ko iprint. Dapat nga buburahin ko yan kaso baka magalit kaya hindi ko na binura.

"We are here for the special event that every student was excited all about. The battle of the highschool students from different schools. We, with the other school participants will be having the competition at the sports complex later in the afternoon. We must prepare ourselves to the competition that we was obliged to win so that we still be having the title undefeated champion till this year"

Tumingin naman ulit saakin ang loko. Problema nito.

"Students is required to watch the games, it is considered as absent if you were nothing to be found. The teachers or the advicers will be grading you based on your attendance, performance, and what you contribute for this event..."

At kung ano pang ka ekekan ang sinabi ni alden. Grabe naman magspeech to. Dapat pala talaga inilian ko, masyadong strict sa studyante paulit ulit eh. Buti anman at hindi siya ganyan sakin. Kundi, nako baka nabaril ko na yan. joke di ko gagawin yon mahal ko yan.

Hinintay ko ang speech ni alden hanggang sa... ayan na malapit na yung sinulat ko, excited na ko.

"One word is enough, for an educated person. Thank you for listening-"

Napatingin naman siya saakin at nginitian ko sya. Umiling iling naman ito habang pinipigilan ang pag ngiti. Kunwari naman itong umubo at inulit ang huling sinabi.

"Thank you for listening, ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko"

Umalis naman agad si alden sa stage at naghiyawan namang ang mga tao don. Lumapit naman ito agad saakin ng nakangiti.

"Akala ko hindi mo sasabihin eh"

"Ako pa ba. Tara na, pumunta na tayo sa sports complex. But before that..."

"What?"

May kinuha naman sya sa loob ng bag na dala naming dalawa. Ugh pants.

"Palit na. Madaming tao don"

"Mainit love"

"Baka mabastos ka"

"Nandyan ka naman "

"Love..."

"Takot lang nila sayo no. Alden Richards"

"Maine" napabuntong hininga na lamang ako. Wala na akong talab dito maine na tawag sakin.

"Fine"

Alden's

📍Sports Complex

"See? Andaming tao. Buti na lang at nagpalit ka"

Tinignan ko naman siya at nakatingin lang sya saakin habang nakasimangot.

"Intindihin mo na lang ako, please? Hindi kasi buong aras nakatutok ako sayo. Alam mo yan" tumango lamang sya at naupo na kami para tuloy akong may kasamang napacute ng 3 years old.

"Love, tama na pout."

"Pati ba naman ba pagpopout ko bawal din?"

"Love, mahirap magpigil"

Ngumiti naman siya ng nanloloko sakin kaya tumingin ako sa iba.

"Patingin nga ng mahirap magpigil"

"Susmaryosep, love. Gusto mo bang higupin na kita"

Napalakas pala ang sabi ko kaya bigla nyang tinakpan ang bibig ko habang natawa. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang tao dito. Bigla ba naman kasing tumahimik nung nagsalita ako.

"Love, ang daming tao. Mahiya naman tayo ano"

"Kunwari ka pa. Eh nakita nga tayo nila tito n-"

"Shhh. Hindi ito ang tamang lugar para dyan"

Napatawa naman ako at ganun din siya.

"Sir."

"Yes?"

"Kulang po ng players sa teachers and staffs daw po."

Ha? Paano nangyari yun? Eh complete attendance lahat ng maglalaro ng basketball para mamaya. Chineck ko yun kanina.

"Sir, nagkaemergency po kasi si sir alfonso. Manganganak na daw po yung asawa nya"

Galing naman. Ngayon pa tumiming na manganganak misis nya. Bakit ngayon pa? Kailangang kailangan to.

"Paano na?" Napatingin naman ako kay maine na nagwoworry na nakatingin sakin.

"Nasan na yung jersey ni sir alfonso?"

"Nasa locker po"

Hinarap ko naman si maine at hinila sa may bench. Pinaupo ko naman siya doon at hinawakan ang mukha bago pa sya magsalita.

"Stay here okay? Maglalaro lang ako for the teachers and staffs love"

"Are you sure?"

Tumango naman ako at hinalikan sya sa noo tsaka tumakbo papuntang cr doon. Kinuha ko sa ibang teachers ang jersey na saktong sakto naman saakin. Buti na lang at nakarubber shoes ako kaya di na ako namroblema. Binilisan ko ang pagbihis at pagakatapos na pagkatapos ay lumabas agad ako at dumaretso kay maine.

Nakarating na ako sa tabi niya pero di pa rin siya nagsasalita at nanatiling nakatingin sakin.

"Yummy ba?"

"Alin?"

"Eto" sabay pakita ko sa kanya ng biceps ko. Nagtaklob naman sya ng mata at pinalo ako.

"Ano ba yan love"

"Kunwari pa. Ilang beses mo na kayang nakita to"

"Biro lang"

"Nahalikan mo na nga din to eh"

"Omg love, stop." Natawa naman ako kaya tinakpan nya yung bibig ko.

"Kapag ikaw di ka tumigil kaka ganyan mo isang linggo walang kiss"

Di pwede yun.

Naupo ako sa may bench at tumabi naman siya. Tumahimik lamang ako dun na naghihintay sa announcement nila. Kaylangan magbehave, mahirap na. Nasanay ako sa ganong sarap.

"Oh? Natahimik ka?"

"Shh" tumawa naman ito at biglang nagtakip ng tenga dahil biglang nagbuzzer yung commentator sa game.

"Kiss naman pang goodluck oh. Di pa ko nagtratraining, sige na"

"Eto naman paawa. Dont worry, bibigyan talaga kita"

Hinalikan niya naman ako sa pisngi at niyakap ako patagilid.

"Galingan mo. Wag kang dadapa dun ha?"

"Oo na. Ako na lampa"

Tumawa naman ito at pinisil pisil ang pisngi ko.

"Baeeee"

Napalingon naman kami sa pamilyar na sumisigaw palapit samin. Ano nanaman ba? Napatingin ako kay maine na ngayon ay masama na ang tingin sakin. Patay ka totoy!

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon