Maine's
📍Condo
Nagising ako na masakit ang ulo. Bawat galaw ng ulo ko at mata ko naikot ang mundo ko. Anuna teh.
Sariling sikap naman akong pumunta sa cr at naghilamos.
"Uy. Good morning love" pinunasan ko ang mukha ko at ngumiti sa kanya. Teka, ano daw? Love? Ha?
"Morning. Aga aga alden. Anong love ka dyan?"
"Ayun kaya tawagan natin kagabi." Nakangiti nyang sabi sakin. Napataas naman ako ng kilay.
"Talaga lang ha" tumango naman sya at ngumiti sakin.
"Fruit juice?" Tumango naman ako at pumunta sa kung nasaan sya.
"Dami mo kasing nainom yan tuloy" ininom ko na lang yung fruit juice na binigay nya saakin. Pumunta naman sya sa likod ko at minasahi ang ulo ko.
"Inom ka lang tas pikit ka. Relax"
"Good na good ang morning ah" rinig kong sabi ni val at naramdaman kong umupo sa tabi ko."Ay nagluto ako. Kain na kayo"
"Kakain talaga ako. Ansakit sakit na ng ulo ko" minulat ko naman ang mata ko at tumingin kay val na katabi ko.
"Hi maine girl. Sarap ba magpamasahe" tumawa naman ako at hinampas sya.
"Takte" sabi nito at napahawak sa bibig nya daredaretso sa banyo.
"Bulwak pa sige" asar ko sa kanya.
"Salamat" sabi ko kay alden at kumuha ng plato. Linagyan ko ng kanin at naglagay na ng ulam.
"Kain lang." Napatingin naman ako kay alden.
"Bahay mo?" Natatawa kong sabi. tumango naman sya.
"Batuhin kita ng hotdog eh" dumating naman si val at tumabi sa akin.
"Nagkakabatuhan na ng hotdog" sabi nito. Yuck nakaka green walanya.
"Kumain ka na?"
"Oo. Kanina pa" nakangiti nitong sabi. Kumain na lang ako ng kumain kasi ansakit ng tyan ko.
"Kagutom" sabi jerald habang papaupo na sa tapat ni val. Kumuha naman sya ng plato at pagkain tsaka kumain na din.
*ding dong
"Sige kain lang kayo. Ako na bahala dun" sabi ni alden at umalis na sa harap namin.
"Sino nagluto?" Tanong ni jerald.
"Si alden" simpleng sagot ni val.
"Aba. Di lang sya doctor ah. Chef na din si alden" sabi nito at uminom ng tubig.
Natapos na ako kumain pero wala pa din si alden. Baka nilamon na ng pintuan. May pa love love pang nalalaman. Tawagan daw namin. Tarush, di siguro true. Hala pinagsasabi ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfic*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT