Chapter 19

2.3K 86 2
                                    

Maine's

📍Coffee Shop

Maghahating gabi na pero di pa rin kami nakakapagpintura ni alden dahil sa sobrang dami na kailangan pang tanggalin at ibaba.

"Bukas na lang kaya natin tapusin?" Nakaupo na ako sa may isa sa mga table dahil sa sobrang pagod.

"Gusto mo na bang magpahinga? Uwi na kita?"

"Uwi na kita dyan. Tara na nga. Bukas na lang natin asikasuhin to" pagaaya ko.

Inayos na naman namin yung ibang gamit at pinatay na ang aircon. Sinarado na din ang mga bintana at mga pintuan tsaka umalis ng shop.

Nasa sasakyan na kami ni alden at kanina ko pa ramdam yung antok.

"Antok ka na no?"

"Oo"

"Oh ganto. Kapag nakatulog ka uuwi kita samin. Kapag hindi sa condo mo ka" wow ha. Talagang pinupush nya yung paguwi niya sakin.

"Pinupush mo talaga ah. Pero sige go ako"

Ginawa ko naman ang pinakabest ko para di makatulog. Syempre di pa ko ready makilala angkan nya. Baka mamaya napakasosyal pala at kailangan gold ang suot mo bago ka makapasok.

Kinwentuhan ko naman siya tungkol sa buhay ko. Kahit ata buhay ni lapu lapu at ni jose rizal naikwento ko na para lang di makatulog.

"Di ka pa matutulog? Ayos lang naman eh"

"Di okay lang. Kaninong buhay naman susunod kong ikwekwento na gusto mong malaman? Gusto mo ba yung kay andres bonifacio naman?"

Natawa naman siya dahil sa pinagsasabi ko.

📍Condo

"Panalo ka na. Nandito na tayo sa condo mo"

Binaba niya na ako sa kotse nya at umakyat na kami sa taas.  Pagkarating naman namin sa tapat ng condo ay nakita kong naiwang bukas.

"Kahit kailan talaga oh"

Napailing iling na lang ako at pumasok na kami sa loob.

"Kape ka muna?"

"Kahit dito pa ko matulog"

"Tara na muna pasok"

Pumasok na kaming dalawa ni alden at nagtungo sa kitchen. Nagpainit muna ako ng tubig at pumunta ng kwarto para silipin si val.

Nakita ko naman katabi niya si jerald sa kama na natutulog. Aba taray nakayakap pa ang dalawa. Tas kami pa inaasar na junior junior. Konyatan ko tong dalawang to eh.

"Inggit ka love? Gusto mo ba mas matindi pa dyan?"

Siniko ko naman si alden sa tyan. Kaharutan level 999.

"Joke lang po ulit. Tara na dun baka nakulo na yung tubig"

Pumunta naman kami sa may kitchen at saktong kumukulo na nga yung tubig. Naglagay naman ako sa tasa ko pati sa tasa niya ng tubig at nagtimpla ng kape.

"A cup in hand you know it’s worth your while. A cup in hand. Let's sit and stay for a while. Let minutes turn to moments. Let's mix. Let's talk. One moment. One Nescafe" kanta ni alden at nasayaw sayaw pa.

Hindi ko naman mapigilan na tumawa dahil sa kakulitan niya.

"Alden anubayan. Daig mo pa yung nasa commercial"

"Mas gwapo pa" nagpogi pose naman sya.

"Magkapangalan lang kayo pero mas gwapo sya"

"Awts" hinawakan niya naman ang dibdib niya at pinalopalo kunwari ay nasasaktan.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon