Maine's
📍Valeens house
"Tara na valeen. Bilis"
Pabulong kong sabi kay valeen habang tinatanggal ang tali sa kanya ni tito. Kailangan malaman to nila tatay. Di pwedeng ginaganto niya si val. Pagkatapos nyang pakiusapan si tatay na ampunin tong kapatid ko hindi niya manlang gampanan ang responsibilidad nya. Sorry na lang sya pero babawiin ko na si val sa kanya. Ayoko ng magmukhang tanga si val na mulat na hinarap ang kasinungalingan. Magalit na sya saakin o samin wala na akong magagawa basta masabi ko ang totoo bago mahuli ang lahat.
"Thank you maine"
Yinakap nya naman ako ng mahigpit.
"Mamaya ka na magpasalamat kapag nakalabas na tayo dito. Tara na"
Hinawakan ko na ang kamay ni val at lumabas sa may bintana nya.
"Psst. Ano ba tatanga lang kayo dyan? Saluhin niyo naman kami"
Reklamo ko sa dalawa na nasa baba at inaabangan ang pag baba namin.
"Sige na val mauna ka na"
Sabi ko kay val at inalalayan ito pababa.
"Dahan dahan lang naman. "
Reklamo niya kay jerald na hinihila ang paa niya.
"Pag nahulog yan lagot ka sakin"
Pagbabanta ko. Naka baba naman ng ayos si val at ako naman ang sumunod.
"MAINE"
Napalingon naman ako ng nakita kong naka tingin si tito saakin. Kaya agad akong napatalon.
"Aray pakshet"
Inalalayan naman ako ni alden at itinayo.
"Tara na bilis. Si tito nakita ako"
Tumayo naman ako at paika ikang tumakbo. Sumunod naman sila saakin sa kung saan man ako lumusot.
"MAINE IBALIK MO ANG ANAK KO"
Anak niya daw eh. Hoy anak ng nanay at tatay ko to no. Wag kang ano dyan.
"Sige na mauna na kayo akyat"
Nauna namang umakyat si jerald na kasunod ay si val. Pinaakyat na din muna ako ni alden at sya na ang nahuli.
"PUTA"
Gulat kong sigaw at mas nagulat ako ng pagtalon ni alden ay bigla itong natumba.
"Alden"
Ngayon naman ay ako na ang nagalalay sa kanya patayo. Nakita ko namang hinawakan nya ng mahigpit yung braso nya at dun na nagsilabasan ang madaming dugo.
"Sige na iwan nyo na ko. Mauna na kayo. Kaya ko"
"Lintek alden! Wala tayong panahon para sa drama serye na yan. Tara na baka di lang yan ang makuha natin pag nagtagal pa tayo dito"
Mabilis naman kaming tumakbo papunta sa pinarkingan namin kanina.
"Huy"
"Ako na magdridrive sige na bilis"
"Maine"
"Tae naman alden. Ako na sabi magdridrive. Tara na"
Sumakay na agad ako sa driver seat at stinart ang kotse. Hinarurot ko naman iyon at habang papalayo kami ay may naririnig akong mga putok ng baril.
"Jusko Lord. Tulungan mo po kami"
Dasal ni val sa likod. Wag kang mag alala val hindi ko kayo pababayaan.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT