Chapter 40

2K 64 1
                                    

Maine's

📍Condo

"Ano ba aldeeeen!!"

Inis kong sabi kay alden at tinulak.

"Bangon na kasi. May pasok ka pa sa radyo station, baka malate ka pa"

"Kailangan may pag halik sa leeg?"

Ngumisi lang ang loko at nag cross arms.

"Tayo na my love. Sige na. Pag di ka pa bumangon dyan isa pa"

"Hmp"

Inis akong tumayo at kinuha na ang towel ko tsaka naligo. Pagtapos maligo ay agad naman akong nag bihis at lumabas ng kwarto.

"Alde- pucha alden ano ba yan!"

"Bakit nanaman?"

Sinarado ko ang mga mata ko gamit ang aking kamay ng makitang naka boxers si alden at apron lang.

"Bat ganyan suot mo. Umayos ka porket tayo lang nandito kailangan naka topless?"

"Naka apron naman ako ah"

"Kahit na"

"Pangdagdag din yun no"

"Pandagdag ka dyan"

"Oo pangdagdag busog yan uy"

"Che. Magpalit ka nga dun bilis. Bago kumain"

Narinig ko namang tumawa si alden bago maramdaman na lagpasan niya ako at pumasok sa kwarto. Agad ko namang inalis ang kamay ko sa aking mata at umupo sa isa sa mga bar chairs sa dining area ko.

"Wow may pa burger si gov"

Inamoy ko naman ito at kumuha ng plato. Naglagay ako ng isang burger sa plato ko at hinintay si alden na makarating sa dining para sabay na kami kumain.

"Alden naman eh"

Reklamo ko kay alden at tinanggal ang pagkakabackhug sakin.

"Bakit nanaman po?"

"Naka topless ka pa"

Kumamot naman siya ng ulo at tumabi saakin.

"Eh. Nakalimutan ko kung san ko nailagay yung shirt ko kahapon"

"Osya yaan na nga yon. Kumain na tayo at may pasok pa ko"

Sabay naman kaming kumain ni alden at tahimik lamang na atmosphere ang bumalot samin. Hanggang sa matapos na kami kumain at nahugasan ko na din ang plato.

"Tara"

"Tara mo to. Magbihis ka nga"

"Ayaw mo non. Ang hot ng driver mo nakatopless"

"Laki naman ng tyan"

"Ganyan ang in ngayon"

"Basta magpalit ka dun"

Sabi ko at turo sa may kwarto ko.

"Nakalimutan ko nga kung sa-"

"Sa kotse mo?"

"Dun nga meron"

"So bababa tayo ng nakaganyan ka?"

"Pwede"

"Ay hindi. Bihis!"

Tinalikuran niya naman ako at hinanap ang shirt nya. Hanggang sa nahanap niya ito sa loob ng microwave oven. Di namin alam kung bakit na punta doon. Abnormal talaga tong si alden.

"Ayan na ah. Bihis na mister mo. Tara na"

Lumabas na kami ng condo at dumaretso sa parking para pumunta sa radio station.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon