Maine's
📍Condo
"Pangatlong araw nya na kong di sinusundo. Pangatlong araw na rin syang busy. Pangatlong araw na rin na sinesendan ako ni leila ng pictures nila ni alden. Nakakainis na, ayoko na"
Sumbong ko kay val habang nakasimangot. Binatukan naman ako nito dahil sa pagdradrama mo.
"Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bat panay ang mukmok mo? Sis, puntahan mo kaya bago ka ulit sendan ng pictures"
"Di yun ganun ganun lang"
"Eh anong gagawin mo? Hihintayin mong maagaw niya si alden sayo? Ano ka? Hilo?"
Natahimik naman ako sa sinabi ni val at napaisip. Oo nga naman. Tsaka may karapatan naman ako kay alden kasi kami. Isa pa, mas may pinagsamahan kami kesa sa leila na yun. Eh desperada lang naman yun eh. Feeling sila pero luuul.
"Fine."
Tanging sabi ko at iniwan si val sa condo ko. Lumabas na ako ng building at nag grab papuntang school niya.
Pikit mata.. buntong hininga.. bahala na
Sana kung ano yung makita ko man mamaya o madatnan sa school nya eh maging maayos naman. Sana naman hindi makagulo mamaya.
📍School
"Love..."
Sabi ko sabay bukas ng pinto. Nakita ko naman siyang nakaupo sa may shivel chair na may nakakandong babae.
Bata, kaya kalma. Bata lang yan maine. Buti nga bata eh. Nang makita naman ako ni alden ay agad syang napatayo at sinalubong ako ng halik.
"Love, what brings you here?"
"Wala lang. Na miss lang kita"
Tumingin naman ako sa bata na nakakandong kay alden kanina na nakauniform pa.
"Anak ng isang teacher dito"
"Hi baby. Whats your name?"
"Leila po"
Tumingin naman ako kay alden ng seryoso at kita ko namang gulat sya sa sinabi nung bata.
"Leila, punta ka muna sa mommy mo ha. May paguusapan lang kami ni sir alden"
Nakangiti kong sabi. Tumakbo naman ang bata palabas. Sinarado ko naman ang pintuan at umupo sa couch ng opisina ni alden.
"Love..."
"Kung iniisip mo na naiinis ako dahil dun sa pangalan, hindi. Bat naman ako maiinis eh pangalan lang yun. Tsaka kung iniisip mo kung nagseselos ba ko dun sa bata hindi din, kasi bata nga yun. Kung iniisip mo kung nagoover think nanaman ako katulad ng pinagusapan natin kagabi hindi din, napadalaw lang ako" mabilis kong sabi sa kanya at umiwas ng tingin. Hindi ko aakalaing lumabas yun lahat sa bibig ko.
"Hindi halata love"
Tumingin naman ako sa kanya na nakangisi na sakin. Tong lokong to. Pasalamat sya mahal ko sya kundi malamang napatapon ko na to sa pasig river.
"Ano nanaman?"
"Wag ka na mainis"
Tumabi naman ito saakin at inamoy amoy ang leeg ko.
"Wag ang leeg ko alden"
"Favorite ko to eh"
Pinigilan ko naman ang mapangiti dahil sa sinabi niya. Pinapaalala ko lang self, seryoso to. Hindi ako pumunta dito para harutin siya okay?
"Love naman.."
"Alden im back! Sabi ko sayo babalik ako e- oh, hi maine"
Tinulak ko naman si alden dahil sa narinig ko at tsaka tumayo.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT