Chapter 15

2.6K 101 2
                                    

Maine's

📍Coffee shop

"Kayo na ba?" Umiling naman kaming dalawa at binuksan ang mga pagkain na naka seal pa.

"Utot nyo wag ako ha"

"Hindi pa nga"sabi ko at umiling iling pa.

"Hindi pa? So may chance? Uyy" asar samin ni val. Bruha talaga to.

Kumain na lang kami at di pinansin si val. Umalis naman sya kasi wala na syang ginagawa.

"Crush"

"Hmm"

"Crush"

"Oh?"

"Crush"

"Ano?" Masungit kong sabi sa kanya. Ang kulit kulit eh. Paulit ulit na.

"Wala lang" nakangiting sabi nito."hehe"

Inirapan ko na lang ito at pinapatuloy ang pagkain. Napatingin naman ako sa kanya na hindi na ginagalaw ang pagkain.

"Kala ko ba kakain tayo? Bat may pa staring contest ka?" Di niya naman ako sinagot kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

"Bahala ka dyan. Psh"

Natapos na ako sa pagkain at nagpahinga muna. Kumain din naman sya, di natiis. Tinignan ko muna ang phone ko at nagscroll scroll sa kung ano ano.

"Alden" tawag ko sa kanya. Humarap naman sya kasabay ng pagclick ko sa camera.

"Hmm?" Tanong nito habang nanguya.

"Wala. Sige kain lang" nakangiti kong sabi sa kanya. Pinagpatuloy nya naman ang pagkain habang pinagpatuloy ko pagbabalak na pagpost sa ig.

 Pinagpatuloy nya naman ang pagkain habang pinagpatuloy ko pagbabalak na pagpost sa ig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May instagram ka?"

"Wala bakit?" Sabi nito habang nagpupunas ng bibig dahil kakatapos nya lang kumain.

"Twitter?"

"Meron"

"Ah" napatango tango kong sabi. Nagscroll scroll na lang ulit ako sa social media at hindi sya pinansin.

"Hoy kayong dalawa. Andaming costumers sa labas" saway samin ni jerald. Tumayo naman kami dalawa at sabay na lumabas ng kitchen.

"Ikaw na muna dito meng papahinga muna ako. Kanina pa ko dyan" reklamo ni val at umupo sa tabi.

"Nasan si trish? Diba dapat sya yung nandito?" Nakakunot noo kong sabi.

"Di pumasok eh" psh. Pumwesto na ako sa may cashier at naghintay ng susunod ng oorder.

"Ikaw. Umupo ka muna dun. Mag tratrabaho ako" sabi ko kay alden at tinuro kung saan nakaupo si val at jerald.

"Tutulong nga ako" pagpapaalala nito sakin.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon