Maine's
📍Coffee Shop
"LAYAS NGA SABI" sabi ko sabay kuha ng paint brush na hindi pa nagagamit sabay bato sa kanya.
"Love.."
"WAG MO KONG NILOLOVE LOVE DYAN. DUN KA NA SA BAE MO. LUMAYAS KA DITO" tsaka binato ulit ng bagay na nasa tabi ko. Takip ng pintura.
"Love naman. Ilang beses na nga natin tong napag awayan eh"
"Oo nga. Ilang beses na. Ilang beses na din akong naloloka sa bae mong yan!"
"Hindi ko siya bae. Ikaw lang, love ko" lalapit sana siya ng kunin ko ang isang kitchen knife na pinangbubukas namin sa pintura.
"Subukan mong lumapit puputulin kita"
"Puputulin alin?" Nakangisi nitong sabi. Aba.
"ANONG AKALA MO MADADAAN MO KO SA GANYAN GANYAN MO. WAG MO KONG HINAHAROT MAGKAAWAY TAYO"
"Love, sorry na"
"Che! Dyan ka lang. Wag kang lalapit. Aayusin ko tong shop"
"Tutulong ako"
"Bahala ka"
"Sorry na kasi.."
"Shh. Nagcoconcentrate ako dito oh"
Natahimik naman siya at pinagpatuloy ang pagpipinturang matagal na naming linagay.
Nako talaga. Pag naaalala ko yang si leila sarap manapak talaga. Kitang may girlfriend na yung tao eh. Sarap tirisin. Onting onti na lang papakidnap ko na yun tas ibeenta ko sa ibang bansa. Pero syempre, joke lang yun. Mabait ako guys.
Pero mas nakakainis itong kasama ko. Itong tukmol na to nako. Kung hindi ko lang mahal to pinadala ko na to sa ibang bansa ibebenta ko din. Dapat ata kinukulong ko na lang sa cabinet ko para di maagaw ng iba eh.
"Love, so-"
"Shh"
"Love na-"
"Shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Natahimik na lang ulit sya at hindi na nagsalita pa muli. Tinuloy ko lang ang ginagawa kong pagpipintura at nagulat ng may malakas na pagsabog ang narinig namin sa labas.
Napatingin naman ako kay alden na nagaalalang nakatingin sakin. Ano toh? Threat nanaman ba ni dondi to? Bakit may pag ganto? lumapit ako sa may bag ko at binuksan ito tsaka bumuntong hininga. Teka...
Tama ba to?
Nilabas ko na yung baril na binigay ng tatay ko at tinago sa ilalim ng shirt ko tsaka kinakabahang lumabas. Kahit naman may baril ako hindi ko pa rin masisiguradong maliligtas ako. Paglabas ko ay napatingin tingin na lamang ako sa paligid. Wala namang mga tao na kahinahinala kaya pumasok na ulit ako sa loob.
"Ano yan?"
Seryosong tanong saakin ni alden bago pa ako makapasok ng shop. Nakatayo siya sa may entrance ng shop ko. Kinunutan ko na lamang sya at nagmaangmaangan.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Ano yan? Ano yang nakaumbok sa loob ng shirt mo? Baril ba yan?" seryoso pa nitong tanong. Napalunok na lamang muli ako at bumuntong hininga.
"Its for our safety"
"Diba napagusapan na natin yan? Na hinding hindi mo na hahawakan yan. At hindi mo na gagalawin yan?"
"Safety nga..."
"Safety? Eh lalo tayong magkakagulo dahil sa baril na yan. Baka makapatay ka pa"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT