Maine's
📍Condo
Sabado na. Wala akong pasok sa radio station. At mamaya pa naman ako papasok sa coffee shop.
At guess what? Wala akong magawa sa bahay. Pinagiisipan ko pa kasi kung mag mamall ako or bibili na lang ng decorations para sa coffee shop.
"Ice cream" biglang sabi ko sa sarili ko. Bigla akong nagcrave grr. Pumunta akong kitchen at chineck ang ref.
"Okay walang laman. Mag grogrocery na lang ako" naligo na ako kaagad at nagbihis na.
Valeen calling..
"Oh hello" at kinuha ang make up kit ko. Kailangan magkilay bes.
(Saan ka?)
"Nasa condo. Lalarga ako"
(San punta?)
"Mag grogrocery"
(Ay sige. Sabihin mo na lang pag tapos ka na mag grocery punta ako sa unit mo)
"Ginawa mo na talaga tambayanan unit ko ah"
(Ganun talaga. See you later)
At binabaan na ko ng bruha. Nag kilay lang ako saglit at liptint. "Pak! Gandang minadali"
Pumunta na ako sa sala at kinuha ang car keys. Lumabas na ako at nagtungo sa parking lot.
Kara calling...
(Hello ma'am)
"Oh?"
(Anong oras daw po ba kayo pupuntang shop)
"Mamaya. May inaasikaso lang ako" weh maine?
(Ah sige po. Tinatanong lang po ni miss kath)
"Osya sabihin mo sa manager nyo. Na pupunta ako. Bye"
Pumunta na ako sa may sasakyan ko. At stinart ang kotse.
May kumatok naman sa bintana ko at linahad ang kamay parang nanghihingi ng barya barya.
Wow naman dito sa street beggar na to. Yayamanin. Mukhang bago pa yung damit tapos ang tangkad maskulado pa.
Ha? May ganon bang street beggar? Kaya binuksan ko yung windows ko at linabas yung ulo ko. Tsaka tumingala para tignan yung mukha ng lalaki.
"Walangya ka talaga alden" natatawa kong sabi at hinampas yung kamay nya.
"Kanina pa kasi kita tinatawag di mo ko pinapansin. May kausap ka sa phone. San ba punta mo?"
"Mag grogrocery ako. Ikaw bat ka nandito?"
"Ako? Bat ako nandito?" Nauutal utal nyang sabi.
"Oo ikaw. Alangan namang ako eh dito ako nakatira"
"Ah wala. Ano, pupuntahan sana kita kaso nakita nga kita dito sa labas na palabas"napatango naman ako dahil sa sinabi nya "ah"
"Samahan kita?" Tanong nito at umikot na papuntang driver seat at umupo.
"Sure" syempre nakaupo na sya son alangan namang paalisin ko. Kaya inatras ko na yung kotse ko na nakapark. At nagdrive na pa grocery store.
📍Grocery
Wala pa kami sa kalahati ng store mapuno na agad yung cart. Naglalakad ako at nagtititingin ng pwedeng kunin at si alden naman ang nagtutulak ng cart.
"Nandyan pa ba sila tito?" Tanong nito at tinitignan ang cart. Kumuha naman ako ng chichirya at nilagay sa cart.
"Wala. Nasa bahay na sila. Ako na lang ulit magisa"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT