Maine's
📍look out
Sumakay na ako sa kotse, istastart ko na sana ng may kumatok na cute na bata sa bintana ng kotse ko. Hala, san to nanggaling?
Bumaba ako at kinausap siya.
"Bat ka nandito? Nasan na yung parents mo?" Tumingin ako sa paligid at napansing walang katao tao. "Pano ka napunta dito?"
May tinuro lang siya at napatingin ako sa tinuro niya. Hala may rally putek.
"Come on baby. Pasok muna tayo sa kotse, may rally"
"Nooo"
Huh?
"🎶Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw
Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo
San ka man sana'y maalala mo
Kailan man 'sahan di mag kalayo🎶"Pakening tape.
Tinignan ko ng mabuti ang kotseng padating na may sangkaterbang tao na nakasunod sa likod. Kotse ni alden yun ah. Anong pakulo ito?
Nagiba ng route ang kotse at ipinakita si alden na nasa likod ng hilux niya. Nakaupo siya sa isa sa mga naglalakihang speakers habang may hawak na mic.
"🎶 Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik🎶"Unti unting nangingini yung tuhod ko. Nakaramdam ako ng kaba, kilig, saya... ewan. Lahat lahat na naramdaman ko. Bat may pag ganto? Unti unting naginit ang pakiramdam ko.
Ang hot ng jowa ko.
"🎶Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw
Malayo ka man sana'y maalala mo
Kailan man pangako di mag kalayo🎶"Unti unti siyang bumaba ng kotse. At kasabay na naglakad papalapit saakin ang mga sangkaterbang tao na nasa likod niya.
"🎶 Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik🎶"Nakangiting naglalakad sya papalapit saakin na naging dahilan sa panglalambot ko. Napahawak ako ng mahigpit sa bata pati na din doon sa kotse.
"Ano to" pabulong kong sabi sa kanya. Ngitian niya lamang ako at hinalikan ang mga kamay ko. Ibinigay nya ang mic dun sa bata at tumakbo naman ito papalayo saamin.
Mistulang bumilog ang mga tao saamin at nanatili kaming nasa gitna.
"🎶San ka man sana'y maalala mo
Kailan man 'sahan di mag kalayo.
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik. Tanging ikaw lamang ang aking iibigin. Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik. Tanging ikaw lamang ang aking iibigin🎶"Tuloy tuloy na pagkanta nila sa paligid namin. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari pero ang saya saya ko. Tumingin ako sa paligid at nakita sila nanay, tatay, val, frankie, leila at ang mga magulang ni alden. Kasama na din don ang mga kamag anak ko. Yung iba pa ay kasama ko sa opisina at ang mga kapit bahay ko sa condo. Nandito din ang mga customers ko sa shop at yung iba pa ay may dalang mga tarp. Nakalagay ang mukha ko at dj hugot babe. Mga avid listeners ko! May mga dala silang yellow lanterns.
Tuluyan na akong napaiyak. Agad naman akong niyakap ni alden at nanatiling nakasandal sa dibdib niya.
"Hala, bakit ka naiyak love"
Tumingin ako sa kanya at pinahid ang luha ko tsaka siya hinampas.
"Nag tanong ka pa ikaw kasi eh"
"Bakit ako? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Nagustuhan. Nakakatouch kasi eh" Yinakap niya muli ako at hinalikan sa noo.
"Wag ka munang umiyak. May sasabihin pa ko"
"Aba. Ikaw may kasalanan nito. Hintayin mong maubos tong luha ko." Pagbibiro ko. Kinuha niya ang panyo niya at pinunas saakin.
"Ano ba kasi talagang meron at may ganto kang pakulo"
Ngumiti ito at pumalakpak ng dalawang beses. Lumapit sa kanya si jerald at sinuotan siya ng coat. May binigay din ito sa kanyang patago at may binulong pa ang loko.
"Dun ka na nga. Naghihintay yung girlfriend ko oh. Sapukin kita dyan eh" reklamo ni alden kay jerald at tinulak ang kaibigan.
Umubo ubo ito bago magsalita. Kasabay ng paghawak na sa kamay ko.
"Love, my loves, babylove, babe, asawa ko.. bebe kows?" Tumawa kaming dalawa ng malakas dahil sa kalokohan niya. Isa pa tong jejemon eh.
"Kahit ano pang itawag ko sayo, alam mo naman na ikaw lang diba? Alam mo na nagiisa ka lang. Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Medyo bad timing pa kasi galit tayo nun sa isat isa. Binato mo pa ko nun ng tissue box kasi sinungitan kita...." tahimik na nakikinig ang lahat. Naramdaman ko na nanggigilid na ang mga mata ko na agad kong pinunasan.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo, sa bawat araw na nagkakasama tayo... Bitin na bitin ako. Gusto kitang makasama ng matagal, minuminuto... oras oras... araw araw, sa lahat. Hanggang sa pagtanda."
Hindi ako makaimik dahil sa tuloy tuloy na pagpatak ng luha ko. Pinunasan niya ang luha ko at inayo ang buhok ko bago ituloy ang gusto niyang sasabihin.
"Love, i want be with you till the last chapter of my life. Gusto kong ikaw ang kasama ko sa bawat pagsubok na darating sa buhay ko. Gusto kong ikaw ang uuwian ko pag kagaling ko sa trabaho. Ikaw ang paglalaba ko kapag kabuwanan mo. Ikaw ang pagpupuyatan ko sa mga araw na hindi ka makatulog. Ikaw ang kasama ko sa mga araw na masaya man ako o malungkot... mahal, ikaw ang gusto kong kasama sa pagharap sa altar, habang nangangako sa diyos na tayo ay mag mamahalan sa habang buhay"
Napapikit ako at tinakluban ang mukha ko. Sa pagtanggal noon ay nakita ko na syang nakaluhod sa harap ko habang namumula na din ang mga mata.
"Will you marry me mylove?"
Tumango tango ako at tinakluban ang bibig ko "Yes, yes love. I will marry you. And i'll be with you till my last heartbeat."
Agad nya namang inilagay ang isang diamond ring sa aking daliri at agad nagyakapan. Kasabay noon ang paglipad ng mga yellow lanterns sa kalangitan.
The. Best. Day. Ever.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT