Last Chapter 💔
♢ ♢ ♢ ♢ ♢
Maine's
📍ChurchHindi ko aakalaing mangyayari to sa buhay ko. Hindi ko inaakala na magkakaron ng gantong ganap at gantong pangyayari na kahahantungan ng buhay ko. Hindi ko aakalaing ikakasal na ko. Sino ba naman kasing mag aakala na magkakaboyfriend pa ko? Isang sikat na dj lang naman na walang masabi kundi hugot at bitterness sa buhay ng isang kilalang radio station. Na ngayon eto, masaya, kontento, at ikakasal na.
Totoo nga ang sinasabi nila. Walang makakapigil sa pag ibig na yan. Kapag alam mong sya na, kapag ang diyos na mismo ang nagtakda na siya na talaga. Hindi ka na makakawala pa.
Sa loob ng ilang buwan, kahit na sobrang bilis ng mga pangyayari, nagkaboyfriend ako - tapos pagtapos ng ilang months, biglang nabuntis - tas ngayon ito na. Ikakasal na ko. Hindi naman ako nagsisisi, actually masaya pa ko sa mga nangyayari sakin ngayon. Baka nga kung di pa ko nabuntis magiging matandang dalaga na ko.
"Love....."
"Uhm?"
Shet kanina pa pala ako nagdradrama sa isip ko nakakahiya. Napatingin ako sa mga taong nasa harapan namin na nakangiting pinapanuod kami. Nakakatuwa lang, maraming nagmamahal saamin. Wow showbiz.
"Unang una sa lahat, salamat. Salamat kasi nandito ka ngayon sa harap ko, kasamang nanunumpa sa harap ng diyos. Na magmamahalan tayong dalawa, at haharapin ang bawat pagsubok na dadating satin na magkasama."
Kahit kelan talaga itong si alden napaka iyakin. Nakangiting pinunasan ko ang kanyang luha. "Sorry..." Nginitian ko lamang sya at pinakinggan sya ng ituloy nya ang sasabihin niya.
"Naalala ko tuloy nung binato mo ko ng tissue box sa ulo kasi nagkasagutan tayo nun sa coffee shop mo dahil natapunan mo ko ng macchiato"
Tumango tango ako habang nagpipigil ng tawa. Naalala ko pa yung itsura nya nung nabuhusan ko sya. Kahit na galit ang cute pa din hihi. Harot! Maine, magpigil nasa simbahan tayo. Kung ano ano iniisip.
"Simula nun, naging paborito ko na ang macchiato. Hindi ko alam pero iba talaga pag ikaw eh. Nabago yung nasa isip ko nung mga oras na yun. Napapayag pa nga ako ni val na sumama sayo sa pelangi diba. Umayaw ka pa nun pero no choice ka, napagisip isip mo siguro na..... gwapings ba naman ang kasama mo tatanggi ka pa?"
Pinalo ko naman siya ng mahina habang natatawa ganun din naman ang mga nanunuod samin.
"Pero, eto na seryoso na. Salamat, kasi ikaw ay ikaw. Kasama kitang ikaw. Minahal kitang ikaw. Tatanda akong ikaw ang kasama ko habang buhay. At kontento na ako dun. Masaya na ako, kasi mahal kita."
"Bwiset ka" bulong ko habang nagpupunas ng luha. Tumingin ako sa kanya na nakangiting nakatingin saakin.
"Kayong dalawa ng magiging anak natin ang buhay ko. At para sakin hindi man tayo maging perpekto, perpekto na kayo para sakin kasi mahal na mahal ko kayo. Hinding hindi ko kaya pababayaan ng anak natin love. Pangako yan"
"Uhog mo" natatawang asar ko sa kanya na pabulong. Nakakahiya naman kung maririnig nila diba.
"Ikaw talaga." Nakangiti niyang sabi saakin at niyakap ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao at kasabay ng paghiwalay namin sa yakap ang pagtigil nila sa pagpalakpak.
"I love you"
"I love you more" bulong kong sabi sa kanya.
"Pero mas mahal kita"
"Ano love? Dito mo pa gusto magtalo dito?"
"Hindi po hehe. I love you"
"I love you too. Oh ngayon shh ka muna"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT