Maine's
📍Grocery
Tumigil ako sa paglalakad at kumuha ng shampoo. Ganun din naman si alden.
"Love oh" sabay pakita nya saakin ng shampoo na pang baby.
"Love, hindi pa nga pinapanganak si baby shampoo agad? Sino gagamit nyan sa bahay"
"Ako. Gagamitin ko sa alaga ko"
"Huh?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Nanlolokong ngumiti naman ito saakin at tumingin sa baba nya habang nakanguso. Hinagisan ko siya ng bulak na nasa tabi.
"Ikaw! Yang kaharutan mo wag mong dalhin dito. Nakakahiya ka"
"Aw. Kinakahiya ako. Sakit nun love"
"Arte arte uy. Tara na"
Naglakad na ako at sumunod naman sya.
"Alden?" Lumingon kaming dalawa sa tumawag sa jowa ko. Boses babae kaya agad akong napatingin. Langya ang sexy T_T.
"Hindi ka talaga nauubusan ng babae ano?" Bulong ko sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay naglakad na ang babae papalapit saamin.
"Alden. Matagal ka ng kinocontact ng mga kaklase natin. Reunion daw"
"Ah eh..." tumingin naman ito saakin at binigyan ko lamang sya ng blankong expression.
"Girlfriend mo?"
"Magiging asawa ko. Ah love, si tracy. Tracy, si maine"
Nginitian ko na lamang sya at tinalikuran sila para kumuha pa ng kailangan namin.
"Love, bat mo ko iniwan don?"
Sulpot ni alden ng makapunta na ako sa kabilang side.
"Iniwan ka dyan. Namili lang ako"
"Nga pala love, may reunion daw kami next week"
"So?"
"Pwede?"
"Ikaw bahala. Reunion mo naman yan hindi ko naman reunion yan. Ni hindi ko nga kilala yung tracy na yun." Kumuha ako ng isang de lata at nilagay sa cart.
"Love naman, kaibigan ko lang yun si tracy"
"Yun lang?"
"Oo. Yun lang? Wala ka bang tiwala sakin? Maka yun lang ka eh"
"Malay ko ba kung isa nanaman yun sa mga naghahabol sayo."
"Kahit anong mangyari ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko. Maging tuna ka man" sabay pakita nya saakin ang isang tuna na nasa lata. Natawa naman ako at kinuha ang hawak nya tsaka nilagay sa cart.
"Napaka corny mo. Tara na nga"
Tulak tulak niya na ang cart habang ako naman ay nakuha ng mga kailangan namin.
"Purefoods? Or cdo?"
"555" linapag ko pareho ang hawak ko at kumuha ng 555.
"Dilis wag mo sanang isipin. Ikay aking lilisanin🎶" kanta ni alden saakin habang may hawak na preserve na dilis.
"Love naman..." natatawa kong sabi sa kanya at kinuha ang dilis sabay hampas.
"Yang kacornyahan mo mamana yan ng anak mo nako"
"Pano mamamana?"
"Lagi ko kasing naririnig. Alam mo na."
"Sus, kinikilig ka naman"
"Che" nauna na akong naglakad at tumingin sa gilid kung ano pa ang pwedeng kunin.
"Love" tawag nito saakin tinignan ko naman siya at nakitang may hawak syang diaper.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT