Chapter 31

2K 86 0
                                    

Maine's

📍Condo

"Tapos?"

Tanong saakin ni val habang hinahagod ang likod ko.

"Yun na nga. Nagpauwi  ako dito. Ang sakot lamg talaga"

"Gaga ka. Yun lang?"

"Anong yun lang? Hindi yun basta basta. Eh pano kung may ibang humawak sa dibdib at mukha ni jerald?"

"Ano ka ba maingirl! Hawak lang naman eh. Di naman niya kinuha sayo si alden"

"Kahit na. Eh malakas kutob ko don sa leila na yun na kukunin niya si alden. Tapos magisa nanaman ako. Lagi na lang ba"

Sabi ko sabay kuha ng popcorn na niluto ni val kanina at kinusot ang mata.

"Ano ba maine. Papatalo ka pa din? Pano ka nyan kung magpapatalo ka nanaman?"

"Ewan. Pero, siguro naman kung mahal nya talaga ako paglalaban nya ko tsaka gagawin niya lahat"

"Eh ikaw? Papanuorin sya na paglaban ka at gagawin lahat? Umayos ka nga. Walang mangyayari kung puro sya na lang. Gumalaw galaw ka naman"

Napa buntong hininga na lang ako at tumingin sa iba.

"Diba mahal mo naman?"

Tumango lamang ako.

"Yun naman pala eh. Go for the gold! Kaya mo yan. Kasi hindi masaya maging tanga."

"Ayusin mo at pahalagahan mo hanggat nasayo pa. Gawin mo lahat para di mawala"

Dahil sa mga sinasabi ni val ay naliwanagan ako. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pintuan.

"Hoy. San ka pupunta?"

"Aayusin at papahalagahan ang akin"

Nakangiti kong sabi sa kanya at lumabas na ng unit ko. Lumabas na ako ng building at sumakay na lang sa taxi papuntang school nya.

Siguro nga tama si val. Ayoko na ulit mawalan, ayoko na ulit maiwan. Kaya hanggat nasa akin pa gagawa at gagawa ng paraan. Hindi pwedeng forever tanga at forever paraya na lang ako. Kailangan naman may gawin ako. Ayoko ng maulit yung katulad ng dati. Na daig ko pa ang martyr sa sobrang labo ko. Ayoko na maulit pa yun.

📍School

"Ay ma'am. Parent po?"

Mukha na ba akong nanay? Pakshet.

"Ah hindi po."

Tinignan naman ako ng mabuti nung guardya at biglang napakamot sa ulo.

"Pangalan po ma'am?"

"Maine Mendoza"

"Ay ms.maine pasensya na po. Kayo po pala yan. Nasa taas po si sir alden"

"Salamat"

Pumasok na ako sa campus nila at umakyat sa taas. May mga studyante pang pagala gala.

"Girlfriend ni sir alden oh"

"Ganda talaga eh. "

"Kung kaklase lang talaga natin yan liligawan ko yan."

"Matanda na yan gago"

"GO BACK TO YOUR CLASSROOMS NOW!"

Mga halyup. Matanda na daw ako ah. Ayos lang maganda pa din.

Binuksan ko na agad yung pintuan ng walang katok katok.

"Aba bastos. Uso kumatok"

Inis na sabi ni alden habang nakatutok sa laptop noya at may hawak pang mga papel papel.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon