Chapter 36

1.9K 75 1
                                    

Maine's

📍Mansyon

"Kelan ka pa naging action star?"

"Ngayon lang"

Nandito kami ngayon sa basement ng bahay namin. Pinapakaramdaman kung ano ang nangyayari sa taas. Kamusta na kaya si tatay.

"Saglit lang mga anak. Checheck ko lang ang tatay mo"

Sabi saakin ni nanay.

"Wag na nay. Ako na"

"Hindi maine, ako na"

Napatingin naman ako sa may hawak ng kamay ko.

"Alden, delikado"

"Mas delikado ka"

"Yung sugat mo alden ano ba. Kaya ko"

"Para walang away ako na lang"

Sabi ni jerald saamin. At hinalikan muna ang noo ni valeen bago umakyat sa may hagdanan papunta sa taas.

Napabuntong hininga na lang ako habang hinihintay ang balita sa taas.

"Valeen"

Napalingon naman ako kay valeen na nakahawak pa sa ulo na umayos ng upo.

"Anong meron? Anong nangyari? Nasan tayo?"

"Eto naman. Nahimatay lang wala ng maalala?"

"Maine" suway saakin ni alden.

"Joke lang"

"Valeen, buti naman at gising ka na. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Ano?"

Nagaalalang sabi ni nanay kay valeen.

"Po?"

"Valeen. Sasabihin na namin yung totoo. Kaya please, maniwala ka na lang"

"Ano bang totoo?"

"Na kapatid kita at tunay na magulang mo si nanay at tatay"

"Ha? Mukha bang totoo yan. Maine naman, pati ba naman ba ikaw?"

Napabuntong hininga na lamang ako at naramdaman ang kamay ni alden na hinahagod ang likod ko.

"Valeen naman. Sa tingin mo ba nagbibiro ako?"

Natahimik naman sya. At tumingin saakin ng daretso.

"Sa tingin mo din ba mapapaniwala nyo ko? Kung joke time to please. Tama na"

Si nanay naman ang lumapit at kinausap si val.

"Pasensya na kung pinabayaan ka namin kay dondi na kunin ka at ampunin ka. Pasensya na kasi wala kaming ginawa kaya nakuha ka nya. Pasensya na kasi pinabayaan namin siya sa pag ampon sayo. Pasensya na kasi nabuhay ka sa mundo ng kasinungalingan. Pasensya na anak. Nagsisisi kami sa mga ginawa namin ni teddy. Sana patawarin mo kami"

Umiiyak na si nanay na nakaluhod kay valeen ngayon. Pinuntahan ko naman si nanay at niyakap.

"Valeen. Please, patawarin mo sila nanay. Alam kong nagkamali sila sa desisyon na yun. Kaya nga ako pinalayo nun ni tito dondi sayo kasi alam nya na kapatid kita. Sorry kung di ko agad nasabi sayo"

Tumayo naman si valeen na halatang galit na.

"Then? All this time mulat ako sa kasinungalingan? I thought you were my bestfriend maine. Hinayaan mo kong magmukhang tanga sa sarili kong buhay."

Umalis naman ito at umakyat na pataas ng 1st floor.

"Valeen. Delikado"

Lumingon naman ito kay nanay.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon