Alden's
📍School
Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair ko habang nakataas ang paa sa table.
"Ano na paps. Ngingiti ngiti ka lang dyan. Yung tanong ko. Kamusta may kasamang buntis sa bahay?"
"Basta ang masasabi ko lang. Masarap magshower kapag may kasabay"
"Ang harot paps. Yung totoo ilang beses nyo yang ginawa?"
"Paps. Wag na. Baka mainggit ka. Ano nga palang pakay mo?"
"Gusto ko kasing ano...." may sinabi naman ito saakin na kaagad kong ikinangiti. Ayos! Tumango tango ako at nakipag apir sa kanya. May kwenta pala tong lalaking to.
"Ako na bahala. Basta ah"
"Oo sige paps. Ayos na ayos ba"
"Ayos"
"Pre" katok ng isang boses lalaki sa pintuan ng opisina ko.
"Pasok" pumasok naman ito at ng makita ako ay agad akong sinuntok sa braso.
"Mga walangya. Mga hindi nagpapakita" sabi ni jake at hinampas pa ang braso namin.
"Kamusta buhay?" Tanong naman ni sam at naupo sa tapat ko.
"Sa loob ng ilang buwan nating di nagkita kita huling huling huli na kayo sa balita"
"Bakit je? Ano na bang meron?"
"Kilala nyo yung babaeng may ari ng coffee shop sa tapat ng school na to? Yung hiningian ko ng number? Magiging asawa nya na pagkatapos ng ilang months"
Tumingin naman ng hindi kapanipaniwala ang dalawa.
"Ge pre. Natawa kami sa joke mo"
"Seryoso yon paps" tumingin naman saakin yung dalawa at tinanguhan lamang sila.
"Kala ko ba ayaw mo?"
"Ganon talaga" nakangiti kong sagot sa dalawa. Agad naman akong linapitan ng dalawa na parang mga batang nakakita ng human size candy.
"Paps how to be you po"
"Walanya! Seryoso talaga?"
"Oo nga"
"Paano? Kaya pala nung nakasalubong namin kanina maumbok yung tiyan"
"Akala nga namin busog lang" agad akong napatigil ng marinig na sinabi ni jake na nakasalubong nya si maine kanina. Takte.
"Nakasalubong niyo?"
"Joke lang. Eto naman." Akala ko naman umalis ng di nagpaalam.
"Paano nga?"
"Wag yan ang tanungin nyo. Ang tanungin nyo bakit bumigay agad pagkatapos nilang magkasama sa farm na pinagkukuhanan ng ingredients nung coffee shop" singit naman ni jerald habang tinitignan ang kuko.
"Paps paano?" Sabay na sabi ng dalawa.
Pinakita ko lamang ang frame na nakapalibot sa office ko. Na puro mukha niya at mukha naming dalawa.
"Walangya lakas tama"
"Inspirasyon mga pre"
Magsasalita pa sana ang dalawa ng makarinig nanaman kami ng katok at hindi ko pa nasasagot ay agad namang pumasok.
"Hi loveeee- ay joke sige mamaya na lang pala hehe" sabi ni maine at isasarado sana ang pinto. Agad naman akong tumayo at pinigilang makaalis.
"Love naman. Tara"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT