Maine's
📍 Condo
Ansakit ng ulo ko shet. Gumulong gulo ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hangover-_-.
Di ko namalayan na dead end na nung kama ko kaya bigla akong bumagsak sa sahig.
"Huy maine. Anong nangyayari sayo" nagaalalang lumapit si val sakin.
"Hangover" sabi ko at tumayo ng dahan dahan. Shet nakakahilo
"Osya maligo ka na para mahimasmasan ka naman. Buti na lang pinapunta ako ni alden dito" sabi nito at binato ako ng towel."Ha?" Pagtatakang tanong ko. Tinulak naman ako ni val papuntang cr para makaligo na. Para naman akong nasa isang rides dahil sa sobrang hilo.
Binuksan ko na agad yung shower kahit na nakadamit pa ko. Shet ansakit talaga ng ulo ako.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na din ako. Nagbihis na din ako sa banyo at lumabas na ng cr.
Nahiga ulit ako sa kama at napapikit na lang ulit. Nahihilo pa din ako.
Chineck ko naman yung phone ko at nakitang 6:30 pa lang. Ang aga pa. Gusto ko pang matulog.
"Maine bangon na" rinig kong tawag sakin ni val. At naramdaman ang presensya nya sa kwarto.
"Sila nanay?"
"Nandun na ulit sa bahay nyo. Kanina bumisita dito eh tulog ka. Sabi sabihin ko na lang daw sayo na dun na lang sila magstastay"
Tumango na lang ako at nanatilong naka higa pa din. Hinuhuli ang antok ko. Ayoko kong bumangon nahihilo ako lalo.
"May trabaho ka pa uy." Pagreremind sakin ni val. Kaya tumayo na ko kahit ansakit sa ulo at dahan dahan na naglakad papuntang sala ng unit ko.
"Ako na magdridrive for you. Tara na"
"Wala ka bang work?"
"As usual"
Inalalayan nya na lang ako hanggang sa makarating kaming parking at kotse ko ang ginamit namin papuntang coffee shop.
📍Coffee shop
"Inom pa more" asar na sabi sakin ni val at inalalayan ako papupo sa may chair malapit sa counter.
Inutusan nya naman ang isa kong empleyado na pag timpla ako ng macchiato.
"Sarap uminom diba?"
"Iniwan nyo kasi kami don. Sayang yung tequila" pagdadahilan ko habang naka tungo na sa table.
"Nagdahilan pa" sabi nito. Pumikit na lang ako at di pinansin ang panenermon ni val sakin.
"Oh macchiato mo" napaangat naman ang ulo ng maamoy ko na ang macchiato. My favorite yes!
Ininom ko na agad ito at di pinapansin ang init. "Hoy mapaso ka. Bruha talaga"
"Good morning" napalingon naman ako sa nagsalita at nakitang si jerald na naglalakad papalapit samin.
"Anong nangyare sayo?"
"Ininom yung isang bote ng tequila. Ayan tuloy, hang over" at inirapan ko naman si val na lalo pang nagpahilo sakin.
"Wag kang magalala. Pasunod na si doctor alden. Wait ka lang"
Panay lang ang higop ko ng kape at humingi pa ng isa. Walanya ayaw matanggal ng hangover ko.
Nagkwentuhan lang ang dalawa tungkol sa nahunting nila kagabi. Mga sira ulo talaga.
"Good morning" napatingin naman ako sa side ko ng marinig ang tinig ni alden sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT