ANG GWAPO NI BLASTER GUYS. OKAY SHARE LANG
☆☆☆
Maine's
📍Condo
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama habang hinihintay siya. Kakainis. Iniwanan ba naman ako dito mag isa.
"Hi lovee" nakangiti niyang sabi. Tinaasan ko lang ito ng kilay at hindi pinansin.
"Hi lovee" ulit pa nito. Umiling iling na lang ako at kumuha ng libro tsaka umupi ulit sa kama.
"Lovee naman"
"Love mo to"
"Hala. Galit ka?"
"Galit mo to"
Lalapit sana siya ng warning ko.
"Subukan mo kong lapitan talaga. Di tayo bati ah. Dyan ka lang" gigil kong sabi sa kanya. Kaya naupo siya sa may pwesto kung saan ko sya pinatigil at nag indian seat.
"Bakit po? Ano bang kasalanan ko sayo?"
"Anong kasalanan mo sakin? Tanong mo sa sarili mo"
"Hala" ang cute huhu. Huy maine. Ano ba galit ka diba. Wag kang magpapadala sa cuteness nyang jowa / asawa mo na yan. Itago muna natin yung marupok side okay?
"Sorry na"
"Alam mo na kung bakit?"
"Hindi pa din"
"Tss. Whatever."
"Bati na tayo please. Bili kitang candies"
"Pwet mo candies. Anong kala mo sakin? Bata? Hoy alden richards. Di mo ko mauuto ah. Di mo ko makukuha sa pa ganyan ganyan."
"Hala uy. Sorry na" lalapit pa sana muli ito ng pigilan ko.
"Isang lapit pa. Pauuwiin kita sainyo"
"Nandito na ko sa amin"
"Talaga ba" sarkastiko kong sabi.
"Kayo ang buhay ko, kayo ang nagsisilbing bahay ko" inirapan ko na lang ito at nagtalukbong ng kumot. Doon na ko nagpakawala ng ngiti. Bwiset talaga yung lalaking yon. Kahit kelan hindi na ko linubayan ng sweet nyang linyahan. Paksheeet.
"Love.. sorry na please..."
"...Kung ano man yung nagawa ko sorry na. Di ko na uulitin"
"Paano mo hindi uulitin eh hindi mo nga alam"
"Sorry na please. Bati na tayo, libre na lang kita ng ramen sa baba"
Kumakalam na ang sikmura ko pero aish. Hindi maine hindi. Kaso, si baby huhu.
"Ramen mo to"
"Love.."
Agad akong tumayo at inayos ang buhok ko. "Pasalamat ka gutom ako" at naunang pumunta sa sala.
Agad naman siyang lumapit saakin at aakbayan sana ako ng paluin ang kamay niya.
"No. Hanggang di mo alam kung bakit ako naiinis sayo. One foot, no touch"
Napakamot naman ito ng batok at narinig ko pang nagbuntong hininga sya.
"Lets go na?" Inunahan ko na siya palabas at naglakad na sa hallway ng condo ko.
"Ano ba kasi yun?" Rinig kong sabi ni alden sa sarili. Isipin mo. Hmp
"Love, pwede clue?"
"No clue"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT