Alden's
📍Condo
"Tito, unang una po sa lahat. Pasensya na po talaga kasi alam ko po sa sarili ko na nawalan po kayo ng tiwala sakin"
"Buti alam mo" seryosong sabi ni tito.
"Teodoro" suway naman ni tita.
"Tito, pasensya na din po kung nagpadalos dalos po kami sa mga ginagawa namin. Wag na po sana kayong magalit kay maine, ako naman po talaga may kasalanan nung mga nangyari. Alam ko pong hindi pa po ito yung tamang time para sa mga sitwasyong to, kasi ilang buwan pa lang po kaming nagsasama ng anak nyo..."
Napalingon ako kay maine na lumabas ng kwarto. Nginitian niya ako at ganun din naman ako. Tsaka binaling muli ang atensyon kila tito at tita.
"Pero tito.. tita, diba po wala naman yun sa haba ng relasyon? Nasa tatag po yun ng samahan at pagmamahalan diba po?"
"Oo nga" singit ni maine.
"Maine, kami kami muna maguusap usap dito. Sige na" nakasimangot naman na pumunta si maine sa kitchen.
"Ituloy mo kung ano ang gusto mong sabihin" seryosong sabi saakin ni tito.
"Malinis po ang intensyon ko sa anak niyo, tito.. tita. Sana po mabalik ko yung tiwalang nyo po na nawala ko."
"Sige nga, paano mo mapapatunayan saamin na malinis talaga ang intensyon mo sa anak ko eh nabuntis mo siya?"
"Napagusapan na po namin ito ni maine tito..."
Napatigil ako sa pagsasalita ng dumaan sila valeen at jerald. Si maine naman na makulit na kanina ay pinagsabihan na ni tito na kami kami muna ang maguusap usap ay tumabi sa akin at yinakap ang braso ko. Hindi na nakaangal si tito.
"Magpapakasal po kami tito, tita. Hindi po kami magpapakasal dahil nabuntis ko siya at kailangan kong panagutan. Papakasalan ko po siya kasi mahal na mahal ko po ang anak nyo. At ayoko po siyang mawala saakin, pati ang anak ko"
Tinignan ko muli si maine na nakasandal sa braso kong yakap niyam hinalikan ko naman siya ulo. Tumingin ito saakin at nginitian muli ako. "I love you" bulong niya.
"I love you more" at hinalikan muli ang ulo nya.
"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo. Subukan mo lang saktan at iwan ang anak ko. Hinding hindi mo na siya makikita"
"Pangako po tito, tita. Hinding hindi ko po sasaktan at iiwan si maine. Hinding hindi po ako gagawa ng mga bagay na makakasira saamin"
Tumango tango si tito at nakipagkamay saakin.
"Maine, anak" tumingin ako kay maine na kasalukuyang nakatingin sa tatay niya. Siniksik niya ang sarili niya sa likod ko.
"Love, nandito ako. Be brave, kakausapin ka lang ni tito" bulong ko sa kanya.
"Sorry for what ive said. Nabigla lang kami ng nanay mo sa nangyari. Hindi kasi namin ineexpect ang gantong pangyayari. Pero wala na tayong magagawa. Sorry anak, i didnt meant na saktan ka"
"Okay na po tatay. Ayos na po" nakangiting sabi ni maine.
Ngumiti lamang si tito habang si tita naman ay lumapit para yakapin si maine. Matapos ay humiwalay na si tita at may binulong kay maine tsaka bumalik sa tabi ni tito.
"Ano nga palang plano nyong dalawa?"
Nagkatinginan kami bago ako sumagot.
"Napagusapan po namin ni maine na hindi po muna siya magtratrabaho sa radio station. Hindi ko pa kasi sila matututukan at di ko po sila mababantayan ng anak ko. Pagkatapos po namin magpakasal lilipat po kami dun sa bahay sa may heights. Para po hindi malayo sa inyo at hindi din po malayo saamin. Under construction na din po yung shop. At balak po namin iturn over kay valeen yung shop habang buntis po si maine"
"Thats good. Pero, kailangan ba talagang magresign ni maine for radio station?"
"Nay, panandalian lang naman po yun. Pagkatapos ko po manganak at mag maternity leave babalik na po ako dun"
"Sainyo naman ang desisyon, kung saan kayo ay susuportahan namin kayo"
"Salamat po nay, tay"
"Huwag na huwag kayong magdedesisyon ng hindi namin alam"
"Opo" sabay naming sabi ni maine.
Ilang minuto pa ng paguusap namin ay dumating na si valeen at jerald na hingal na hingal pa. Dumaretso naman sila sa kitchen.
"Yes. Ayan na yung ramen ko" bulong ni maine habang kinukurot kurot ang bisig ko.
"Baby... kakain na tayo ng ramen" sabi niya sa tiyan nya habang hinahawakan.
"Excuse me lang po" sabi ni maine at pumunta na sa may kitchen.
"Alden, ngayong magkakaanak na kayo ni maine. Mahabang pasensya ang kailangan dito ha. May mga oras na iinisin ka talaga nyan. Mas matindi pa ang buntis kaysa sa pagkakaroon niya.." pagpapaalala ni tita.
Jusko po. Kung amazona siya tuwing kabuwanan... ano na sya ngayong buntis siya? Siguro naman hindi siya magiging tigre ano.
"Humanda ka ng mapagod at mapuyat iho. Basta alagaan mo ang anak ko"
"Opo tito"
"Huwag na huwag kang magkakamaling saktan ang anak ko. May baril kami tandaan mo yan"
Napalunok ako bago sumagot "Opo tito. Hinding hinding hindi ko pa siya sasaktan. Pangako po"
"Wag kang mangako. Gawin mo"
"Opo opo. Opo tito"
"Family planning ha."
"Opo" tango tango kong sabi. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto kaya napalingon ako. Pumasok pala siya ng kwarto. Maine talaga.
Jusko, bat hawak niya yan.
"San mo dadalhin yan?"
"Kila val. Bibigay ko na lang sa kanila. Di naman natin nagamit eh. Sayang naman"
"Ha? Hayaan mo na. Itago mo na lang sa loob yan. Ang hirap kaya bumili niyan nakakahiya pa"
"Eh bakit. Ginusto mo naman yun ah."
"Oo nga. Kaso, di nagamit diba"
"Kaya nga ibibigay na lang natin kila val. Kasi diba, bat pa gagamitin yan eh huli na ang lahat"
Napaisip tuloy ako saglit at napatingin sakanya.
"Sabagay, sige na nga" ngumiti muna siya saakin bago pumunta sa kusina.
"Uhm. Tito, may isa pa po pala akong sasabihin sainyo"
"Ano yun iho?"
"Tungkol po sa dun sa kasalan tito" umupo ako sa kanina kong upuan at seryosong tumingin kila tito at tita.
"Ano ba iyon?" Singit ni tita.
"Kasi po, ayoko pong makasal kami ni maine ng hindi ako nagpropropose sa kanya. Gusto ko po sana syang surprisahin"
Ngumiti naman saakin si tito at tita. Tinap ni tito ang aking balikat. At tumango tango.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT