Chapter 34

2K 74 1
                                    

Maine's

📍Radio Station

"Anong itsura yan mader"

Sabi saakin ni tekla habang nakaupo na ko sa desk ko. Kakatapos ko lang mag on air kaya naupo na muna ako.

Nakalumbaba akong tumingin sa kanya habang sumimangot.

"Maka tanong ka kung anong itsura eh maganda yang si dj hugot babe. Ano ba problema mader?"

Tanong naman sakanya ni donita.

"Kay poging boyfriend mo ba yang problemang yan?"

Tumango lang ako at umayos ng upo.

"Ano bang problema mader. Sabihin mo lang baka makatulong kami"

"May babae kasi, na panay yung habol kay alden. Ewan ko ba parang na threthreaten lang ako sa kung anong pwedeng mangyari"

"Baka asong ulol kaya panay ang habol sa jowa mo"

Medyo natawa naman ako kay tekla. Hinampas naman siya ni donita at umupo sila sa tabi ko.

"Alam ba ng jowa mo na nathrethreaten ka. Baka mamaya napaka oa mo hindi naman pala dapat"

"Maka oa to. Di ka pa kasi nagkakajowa"

Sabi ni tekla kay donita at binatukan.

"Bakit nagkaron ka na ba ng jowa?"

"Oo si willie"

"Willie?"

"Willie Revillame. Dubi dubi dap dap. Dubi dubi dap dap"

Natawa naman ako dahil sa dalawa. Kahit kelan talaga.

"Oh ayan. Happy lang mader."

"Tsaka. Dapat malaman ng jowa mo yan. Nang malayuan"

"Nilalayuan niya naman eh. Pero yung babae kasi"

"Ano bang pangalan nung babae ng mapadala sa paws."

"Mga baliw"

Sabi ko sa kanila at nginitian sila. Kahit papaano naman eh gumaan yung loob ko. Iba talaga ang tandem ng dalawang mader ko sa radio station.

"Maine."

Napatayo naman ako ng marinig ang boses ni alden. Nakita ko naman siya na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Gwapo talaga ng jowabells mo mader. Pa arbor"

"Di pwede magmumukha kang sindikato. Sabihin kidnapper ka"

Natawa naman ako sa bulungan ng dalawa. Grabehan.

Hinalikan naman ako ni alden sa pisngi at hinawakan ang mga kamay ko.

"Kanina pa kita tinetext, kala ko kung anong nangyari sayo"

"Naka patay kasi yung telepono ko"

"Galit ka ba? Sorry"

"Hindi naman ako galit"

"Di talaga sya galit papu, nathrethreaten lang daw sy- ARAY DONITA"

Piningot naman ni donita si tekla at hinila palayo samin.

"Pasensya na ha. Nakalimutan ko kasi painumin siya ng gamot niya sa sakit nya. Sige iwan nanamin kayo"

Sabi ni donita saamin at tuluyan ng umalis ang dalawa.

"Nathrethreaten? Saan?"

Shrinugg ko lang yung shoulders ko at umupo sa desk ko.

"Tungkol nanaman ba to kay leila?"

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon