Chapter 10

3K 103 4
                                    

Maine's

📍Condo

Maaga naman akong gumising kasi niyayaya ako ni alden na magsimba daw. May malapit naman na chapel samin dito kaya baka dito na lang kami mag simba.

Naligo na ako at nagbihis. Nagkilay na at lip tint lang ulit. "Gandang kahit na di minadali. Maganda pa din" nakangiti kong sabi sa sarili.

Pumunta na ako ng sofa at pinitik si alden na hanggang ngayon natutulog pa din. Ganun ba kabigat yung mga pinamili ko?

"Hoy. Aba yung idlip mo napahaba. Maligo ka na" nagiba naman sya ng position nya at natulog ulit.

"Aba. Hoy" at niyugyog sya. "Wait lang po" at dahan dahan naman syang umupo.

"Sarap ba matulog sa sofa ko? Kahapon ka pa dyan ah"

"Teka lang kukuha lang ako ng damit sa kotse ko sa baba" aba prepared. "Lagi kasi akong may dalang damit. In case" dagdag nya pa at lumabas na ng unit.

Nanuod na muna ako ng tv habang hinihintay sya. Hanggang sa pumasok ulit sya sa unit ako, at nakapaligo na.

"Tara na?" Pagaaya nya.

"Wait tapusin ko lang to" habang tutok na tutok kay spongebob. Tinabihan nya naman ako at nakinuod hanggang sa matapos na.

"Tara na" pinatay ko na ang tv at lumabas na kaming dalawa ng unit.

"Maine girl! OMG" sigaw ni val na nakasalubong namin pagkalabas na pagkalabas namin ng unit.

"Kahapon ka pa dyan?" Gulat na tanong ni val kay alden. "Oo?"

"Omg!" At sumigaw ang loka sa hallway.

"Huy! Wag kang maingay! Ipaban ka dito dahil sa kaingayan mo" pinagalitan ko pa. Ang ingay ingay kase eh.

"Kayo kasi eh" at nagsimula na kaming tatlong maglakad papuntang elevator.

"Wala naman kaming ginagawang masama"

"Wala nga ba?" Binatukan ko naman sya dahil sa pagkaberde ng utak nya.

"Kala mo samin" at pumasok na kami sa elevator na nagbukas. "San punta nyo? Magdadate kayo no?"

"Magsisimba lang" simpleng sagot ni alden na nasa tabi ko.

"Ay nako bawal si maine don sa iba na lang kayo"

"Ano kala mo sakin demonyo? Bruha ka talaga" at tumawa naman ang loka loka.

Nang bumukas na yung elevator lumabas na kami at nagtungo sa lobby.

"Osya aalis na ulit ako. Sayang mga pag punta ko dito eh. Magtext ka nga pag di mo na kasama yan" at naglakad na agad paalis.

"Tara na lakad na tayo"

"Wag mo ng pansinin yun si val ha. Bruha yun eh" nginitian nya naman ako at tumuloy na sa paglalakad.

☆☆☆

"Awkward" sabi namin sa isa't isa at tumawa pagkatapos ng lords prayer.

"Lambot ng kamay ah. Halatang tamad" natatawa nyang sabi. Inirapan ko naman sya at sa iba tumingin.

"Kunwari ka pa crush mo naman ako"

"Love nga kita"

"Shh. Ingay eh" saway ko. Tumawa naman sya dahil sa reaction ko. Sige nga. How to get rid of this kilig? How? How? How?

Di na kami nagpansinan at nakipag participate sa misa hanggang matapos. Humingi na kami ng basbas kay father at lumabas na ng chapel.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon