A/N: inupdate ko po ulit yung chapter 22 kanina. Kasi yung kalahati lang yung nagpublish. So.. yun po hehe enjoy!
Maine's
📍Condo
"Sorry talaga kenneth. Nagka emergency kasi talaga eh. Next time na lang"
(Ano bang nangyari? Gusto mo bang puntahan kita dyan? Nasan ka ba?)
"Ah ano. Wag na kenneth ayos lang ako. Sige na"
Binabaan ko na si kenneth ng telephono at napasandal sa sofa.
Sobrang kashungaan ko at pagiisip ko. Di na ko sumama kay kenneth. Si alden ba naman bigla na lang nag iba ugali.
Si val naman ang sunod kong tinawagan. Maghahapon na hindi pa nga ako naglulunch kasi tinatamad ako mag luto. Ako pa magisa dito.
Calling valeen...
(Oh maine girl napatawag?)
"Nasan ka?"
(Mall. Kasama ko si jerald)
"Ano oras kayo uwi? Dalhan mo ko ng makakain di pa ko naglulunch"
(Taena ka. Bat di ka naglulunch? Wala ba dyan si alden?)
"Iniwan ako gawa nung nalaman na may gala ako kay kenneth kaya di na ko natuloy"
(Oh?)
"Anong oh? Anong oras ka uuwi?"
(Teka)
At bigla nya na lang binaba yung tawag. Bwiset yun.
At dahil wala akong magawa nagpasya na lang ako na pumunta ng shop at tapusin yung mga pintura pintura don. Kaya kinuha ko na ang car keys ko at bag tsaka lumabas ng condo.
Alden's
📍Bahay
Kaya syempre pumasok agad ako ng sasakyan na parang ninja. At stinart.
"Walanjo naman. Bat di pa kumain ng lunch yun?"
Nagwoworried na ko sa kanya. Kaya nagdrive thru ako sa mcdo at bumili ng two piece chicken na may rice, cokefloat, sundae, bff fries, coke, tsaka burger. For sure gutom na gutom yun. Anong oras na tapos di pa nakain.
Habang naghihintay ng inorder ko ay nagtext nanaman sakin si val. Na nasa shop daw si maine dun ko daw puntahan.
Kaya pagkakuha ko ay dali dali akong pumunta sa coffee shop.
📍Coffee Shop
Tama nga yung sabi ni val nandito nga si maine. Pinark ko naman ang kotse ko sa tabi ng kotse ni maine at kinuha ang pagkain.
Lumusot ako sa gray na nakaharang sa shop na at pumasok sa loob.
"Maine"
Tawag ko sa kanya habang nagpipintura sya magisa ng ding ding. Tumingin naman siya saakin at nginitian ako.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT