Maine's
📍Radio Station
"At hanggang sa muli mga palamuti. Basta laging tatandaan, habang buhay may pag asa bes. Baka mamaya di pa pinapanganak ang nakatadhana sayo kaya sit back and relax kasi wala ka pang gastos HAHAHAHAHHA Once again. Dj hugot babe, hanggang sa muli"
Nakangiti kong sabi at inoff air na ako. Haaaay. Ang sarap talaga sa feeling lalo na kapag mahal mo ang trabaho mo. Speaking of mahal... hehe.
Pinaltan ko na nga pala ulit contact name nya. Bati na ulit kami eh.
Buntong hininga at kalma maine. Trabaho yon chill ka lang. Tumayo na ako at lumabas ng airing station.
"Madam beks. Anuna"
Maingay na sabi ni donita sakin.
"Chika ka naman uy"
Singit naman ni tekla.
"Ano namang chichika ko?"
"About sa papi mong boyfie or kung gusto mo magbilangan na lang tayo ng chikinini sa leeg"
Sabi na nga ba eh. Talaga tong dalawang to. Masyado ha.
"Ayos naman kami. Masaya naman. Pero minsan busy ganun pero di naman kami pumapayag na palipasan yung araw na di kami nagkikita"
Nag aw naman yung dalawa. Tong mga baklang to talaga.
"Beks. Alam mo ba wala na si frankie dito? Umalis bigla. Crush ko pa naman yon"
"Crush agad tekla? Porket pinautang ka lang limang piso pang kape mo?"
"Maka lang ka donita ah. Atleast naman no. Kesa naman sa wala"
Natawa naman ako sa pinagsasabi nila. Happy pill ko sa office tong dalawang to kaya di ako nababagot anytime na kasama ko sila.
"Edi pag pinautang kita ng limang piso crush mo na din ako ganon?"
"Sorry, di ka na kasya dun sa isang notebook na listahan ng crush ko"
"Kayong dalawa talaga. Sige kayo, kayo magkatuluyan dyan eh"
"Nakakasuka yung sinabi mo maine ha"
"Ikaw pa talaga nagsabi niyan tekla ah. Mahiya ka naman"
Napailing na lang ako sa kakulitan nila. Sabi nga ni tekla kanina atleast naman no, hindi ko na masyadong iisipin kung ano man ang meron kay alden. At hindi na ako masyadong naiinis na nagtatampo na ewan.
"Osya bakla mag oon air na kami, tapos na yung ilang kanta don. See you later kung di ka aalis"
"Aalis yan, si gov nya kasi syempre jowain duties"
"Mga baliw. Busy"
Pinanuod ko na lang sila na naglalakad papasok ng recording station. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo tsaka kinuha ang bag ko. Pupunta na lang ako sa condo, dun ko na lang hihintayin si alden.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT