Chapter 6

2.9K 104 1
                                    

Maine's

"Hi nay, hi tay" bati ko sa mga magulang ko. Habang si alden naman na nakaalalay sa likod ko.

"Pumasok kayo at maupo" utos ni tatay. Inalalayan naman ako ni alden mag lakad at sinarado ang pinto. Tsaka inalalayan din ako paupo. Naupo naman sya sa tabi ko.

Sila tatay naman kung makatingin kay alden para imbestigador. Daig si mike enriquez.

"Baka gusto mong pakilala yang kasama mo" sabi ni tatay at iniinspektyon pa si alden.

"Nay, tay si alden po kaibigan ko"pagpapakilala ko.

"Sigurado ka bang kaibigan lang?" Sabi ni tatay na tila nananakot pa. Si nanay naman ay tumayo at pumuntang kusina.

"Ahm" napatingin naman ako kay alden na nagsalita.

"Sigurado ka ba?" Sigaw ni tayay.

"Opo sigurado po" agad na sabi ni alden na nabigla. Pinipigilan ko naman ang tawa ko dahil sa reaksyon nya.

"Maine. Dun ka muna sa kwarto mo. Gusto kong makausap tong si alden" tumayo naman ako at sinunod si tatay.

"Sige po" at dumaretso na sa kwarto ko. Di ko naman masyadong sinarado ang pinto. Kinawang ko ng onti para may masagap ako.

Sumilip naman ako at gusto ko sanang pakinggan yung paguusapan nila kaso hindi ko marinig mahina. Pero kitang kita sa expression ng mukha ni alden na seryoso ang pinaguusapan nila kaya sinarado ko na yung pinto.

Hala uy. Kinakabahan ako. Pero bakit naman ako kakabahan? Eh kaibigan nga diba? Chill maine, chill. Wooh.

Nagulat naman ako ng bumukas yung pinto. Si nanay lang pala.

"Nay" tawag ko at nagmano kay nanay.

"Gwapo ng boyfriend mo ha" at ngumiti saakin si nanay. "Nay kaibigan ko lang po yun" sabi ko at yinakap si nanay.

"Namiss ko po kayo sobra. Bat po di niyo sinabi sakin na uuwi kayo" at hinigpitan pa lalo ang yakap kay nanay.

"Susurprise ka kasi sana namin. Pero mukhang kami pa ang nasurprise" komento ni nanay at tinignan ako. "Big girl ka na talaga. Nagdadala ka na ng boyfriend sa condo" dagdag pa nito.

"Nay naman. Di ko nga po sya boyfriend. Kayo lang ni tatay ang karelasyon ko" at nginitian ng matamis si nanay.

"Anong nangyare dyan sa paa mo?" Tanong ni nanay saakin at tinignan yung paa ko.

"Na dapa po sa may pelangi kanina kaya namaga" napatingin naman saakin si nanay at umiling. Alam nya naman kasing lampa ako.

"Tara sa kitchen tayo nagbake ako ng apple pie" pagaaya sakin ni nanay kaya lumabas na kami ng kwarto at nagtungo sa kitchen.

Nagslice naman si nanay ng apat at sineperate yung dalawang slice sa isang plato.

"Ibigay mo dun sa tatay mo tsaka dun sa sinasabi mong kaibigan mo" sabi ni nanay na parang di pa naniniwalang kaibigan ko lang si alden.

Kinuha ko naman ang plato at linapag sa center table. Umalis agad ako kasi baka maistorbo ko sila.

"Oh maine, bote. Igulong gulong mo para mawala yung maga" totoo nga yung sinabi ni alden. Yung bote thingy. Ginulong ko naman yung paa ko sa may bote katulad nga ng sabi nila.

Makalipas ang ilang minuto...

"Maine, aalis na tong kaibigan mo" sigaw ni tatay mula sa sala. Naglakad na ako sa sala ng paika ika para puntahan sila.

"Aalis ka na?"

"Ah oo eh. May pasok pa kasi ako sa school ko bukas" nakangiting sabi nito.

"Sige po sir. Maraming salamat po" at nagmano sa tatay ko. Ganun din sa nanay ko.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon