Maine's
📍Don Henricos
"Mga dating spots mo talaga kakaiba eh"
"Bakit? Ayaw mo ba dito?"
"Ano ka ba. Okay nga ako sa ganto eh. Tsaka masarap yung food"
"Mabuti naman"
Bumuntong hininga naman sya at tinignan ang cellphone nya.
"Stress ka ata? Anong nangyari sayo?"
"Wala to"
"Ano nga. To naman"
"Iniisip ko kung saan ako bibili ng radyo"
Nagpigil naman ako ng tawa at seryosong tumingin sa kanya.
"Ano nga"
"Medyo nakakainis lang na hirap akong disiplinahin yung mga bata sa eskwelahan ko."
"Ano bang nangyari?"
"May nakipag basag ulo nanaman eh. Hirap talaga nila pakiusapan"
"Then? Anong ginawa mo?"
"Ipapatransfer out sa ibang school tas tinignan yung gallery ko"
"Gallery?"
"Yep. Gallery of your pictures"
"Yung totoo"
"Oo nga"
"Talaga lang ha. Patingin"
"Bawal" pailing iling nyang sabi sakin.
"Bakit?"
"Basta"
"What the hell alden?"
Napalingon naman kami sa babaeng pamilyar ang boses sa likod ko. Anak ng tokneneng buhay pa pala to?
"What are you doing here nigga?" Natawa naman si alden dahil sa sinabi ko. Bakit nanaman ba?
"Bitch what?"
"Ay tapang ni ate girl. San galing?"
"Maine" pananaway saakin ni alden.
"Susumbong kita kay teacher inaaway mo ko" parang tanga kong sabi kay leila. Inakbayan naman ako ni alden at hinila papalapit sa kanya. Bat ako tumiklop eh sinabi lang ni alden pangalan ko? Oy OA mo sel umayos ka nga. Di na uso pabebe sa world.
"So, mas gusto mo pala ang mga immature na babae. Good to know, di kayo magtatagal"
"Hayup. Pake mo?"
"Maine"
Tumahimik na lang ako pag tapos. Nak ng paano to nagagawa ni alden? Sinalinan siguro sya ng super powers ni goku. Pakshet ano nanaman bang pinagsasabi ko.
"Ew. Salitang kalye. Yuck"
Kinunotan ko naman siya ng noo at pinipigilang mainis. Mahirap na baka magscandalo ako dito.
"Mas ew ka. Look how desperate you are. Pinagtabuyan ka na nga, pinagsisiksikan mo pa yung sarili mo samin"
"Maine"
Kinagat ko ng maigting ang dila ko dahil sa pagkainis. Padabog na inalis ko naman ang pagkaka akbay sa akin ni alden.
"Maine ka ng maine dyan. Pag tanggol mo kaya ako. Kala ko ba mahal mo ko"
Padabog akong tumayo at umalis na sa loob ng resto. Maine ng maine amp. Kung ano ano na nga sinasabi sakin nung babaeng bruha na yon. Maine lang yung masasabi niya. Bwiset na maine yan oh. Nasabihan na nga ako ng immature, bitch tapos maine pa din yung sasabihin niya lang. Punyemas!!
"Maine wait"
"Tigilan mo ko alden. Baka di ako makapag pigil ma jombag kita"
"Wait lang kasi"
"Sabi ng tigilan mo ko eh. Wag mo kong susundan lintek ka umalis ka sa harap ko!"
Sigaw ko sa kanya at pumara ng taxi.
"Manong sa ***** condominium po"
📍Condo
Linock ko agad ang pintuan ng unit ko at sumalampak sa sofa.
Bwiset na yun. Di man lang ako mapagtanggol. Tumingin lang ako sa may kisame at inisip ang mga nangyari kanina.
"Grr. Nakakainis talaga"
Pumunta ako ng kitchen at uminom muna ng tubig. Pagtapos ay dumaretso na ako sa kwarto at nahiga muna. Napagpasyahan kong buksan ang facebook ko at nagulat sa nasa news feed ko. Lanyang yun, bat ang bilis naman ng balita. May nakakilala pala sakin don.
"Ano ba maine. Isa ka sa mga sikat na dj. Malamang may nakakakilala sayo don. Utak mo naman"
Breaking news: Isang sikat na Dj na kinikilalang si Dj Hugot Babe. Nahuling kaalitan ang kanyang BOYFRIEND?
Nagscroll naman ako sa mga comments para magbasa.
"Ayan nga yung gwapong boyfriend niya. Nakita ko na sila dati magkasama sa coffee shop ni dj hugotbabe"
Napataas naman ako ng kilay at nagbasa pa ng isa pang comment.
"Hala sa labas pa talaga? Walanya naman yung boyfriend"
"Ay oo nga. Nakita ko sila dati magkasama. Ang sweet sweet nila"
"ANUBA PWENDS"
Sigaw ko at sinarado na ang laptop. Okay, i need ang break. Bwiset yung nakakita samin. Bwiset talaga.
Alden's
📍Jeralds house
"Pag ako di mo tinigilan malilintikan ka talaga sakin"
Inis kong sabi kay leila. Padabog naman itong umalis ng makita nyang galit na talaga ako sa kanya. Dito na ako dumaretso pag tapos ng pagaaway namin ni maine kanina.
"Walangya papi. Lakas ng tama sayo oh. Gwapo talaga"
"Ano ba pre. Di ka nakakatulong sa prinoproblema ko"
"Ano ba yung problema mo?"
"Nagaway nga kami dahil kay leila. Bigla ba namang sugod sa kinakainan namin eh nagdadate kami"
"Bat ba kayo nagaway"
"Eh hindi ko napagtanggol eh."
Nagulat naman ako sa pag tayo ni jerald at paghampas sa table.
"Eh gago ka pala eh. Bat di mo pinagtanggol"
"Ang cute nya kasi lalo na nung naiinis sya" napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi ko at tsaka ko lang narealize. Ay tanga alden. Isa kang malaking tanga.
"Di na cute yun pag nainis na sayo yun. Sabi mo nga diba may lahing amazona yang girlfriend mo..."
Napatigil naman siya sa sinabi niya at tumingin muli saakin.
"Teka nga..."
"Yang tingin na yan jerald ah. Pang hot seat nanaman yang tanong mo eh"
"Gago seryoso kasi"
"Ano?"
"Girlfriend mo na ba talaga?"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fiksi Penggemar*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT