Chapter 20

2.4K 100 1
                                    

Maine's

📍Condo

2:30 pm pa lang nandito na kami ni alden sa school nya. Pa chill chill lang ako sa office nya kasi may inaasikaso pa sya.

Suot ko na rin yung pang fun run na sando at yung bigay nyang black shirt tapos naka shorts lang ako tsaka rubber shoes.

"Naiinip ka na ba? Gusto mo bang lumabas muna?"

"Ay hindi. Ayos lang ako dito, sabay na tayo"

Nginitian niya naman ako at pinagpatuloy ang ginagawa nya. Tumayo muna ako at binuksan ang isang pintuan sa office ni alden.

"Ay faculty pala to"

"Oo."

Nakita ko namang may naglilinis yung iba naman nakatambay lang na nakasuot na fun run shirt.

Siguro mga teachers to. Kaya sinarado ko ulit yung pintuan at umupo.

"Tara na. Ayos na yan"

Kaya lumabas na kami ni office niya at linock ang pinto.

"Sir. Girlfriend nyo? Ganda ah"

Tanong ng isang teacher sa kanya.

"Magiging po" kinilig naman yung teacher dahil sa sinabi ni alden. Yung tataa? Bagets?

Bumaba na kami at pumunta sa isang field na pangyayarihan ng fun run.

"Sir. Ganda ng kasama nyo ah"

"Magiging girlfriend ko na yan. Wag kayong ano" pagsisita nito sa isang lalaki. Natawa naman ako dahil sa kung pano sya umasta. Napakaharot!

"Sir. Para po sa school magazine. One two three" ngumiti naman kami at umalis na yung babaeng photographer.

"Grabe naman dito alden. Parang showbiz"

"Madami kasi talagang estudyanteng napasok dito sa school ko"

"Kaya ka galante eh"

"Para sa future, love"

"Ene?"

"Pere se fetere" natawa naman ako ng magpabebe din siya. Mayghad.

"Bae"

Napalingon kami ni alden dahil sa may tumawag siguro. Ewan ko, pero bigla na lang kami napalingon.

"Hi bae"

Sabi nito kay ALDEN. At hinalikan pa sa pisngi.

"Dont call me bae. Di tayo"

"I know. Kung gantong mukha ang katunggali ko. For sure, mananalo ako"

Wow. Mukhang to daw oh. Tinuro pa ko.

"Talaga te? Lakas natin ah. Ilang semento ang tinapal mo dyan sa mukha mo at ang kapal ng mukha mo"

Napairap naman ang babae at hindi ako inintindi. Tsaka hinawakan si alden sa braso. Tinaasan ko naman ng kilay si alden kaya binilisan niya na tinanggal ang kapit sa braso nung babae at pumunta sa likod.

"By the way. Im leila"

"The hell i care"

"Alden's future girlfriend"

"You sure?"

"Yeah"  maarteng sabi nito at tumingin sa kuko niya.

"He's my suitor"

Nanlaki naman ang babae kasabay ang paglaki ng bunganga nya.

Tumango naman si alden na nasa likod ko.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon