Maine's
📍Condo
"Hay nako maine girl. Malaman lang to nila nanay at tatay lagot ka don"
Hinawakan ko naman ang bandang gilid ng noo ko at minasahe.
"Val naman. Di ko naman sinasadya yon"
"Hindi sinasadya? Jusko naman maine"
"Lasing ako non val. Syempre wala ako sa sarili non"
"Oo, lasing ka. Dahil kay alden diba? Nak ng maine naman"
"Teka nga. Akala ko ba pabor ka kay alden"
"Oo nga e-"
"Yun naman pala eh"
Bumuntong hininga naman si val at tinabihan ako.
"Pero kasi, hindi naman tama na yung magpapakalasing ka dahil sa kanya. Nakulong ka pa, mukhang malaki yung kasalanan sayo nung lalaking yun"
Inalis ko ang aking kamay na nakahawak sa sentido ko at humarap kay val.
"Well, laging umaaligid si leila sa kanya. Naguusap sila ng di ko alam."
"What the hell? Diba ayun yung patay na patay sa kanya?"
"Exactly."
Tumingin naman ako sa orasan at napansing 30 mins na lang on air na ko sa radio station.
"Sige una na ako"
Tumayo na ako at kinuha ang bag at car keys ko.
"Huy. San ka pupunta?"
"Sa radio station"
"Tangek. Di ka pa naliligo."
"Hayaan mo na"
Di naman ako maamoy ng listeners ko. Bat pa maliligo diba? Lumabas na ako ng building at dumaretso sa parking area.
"Loveee.."
Derederetso lang ako ng lakad at nagmadaling binuksan ang kotse ko.
"Love naman"
"Bakit?"
"Sorry na"
"Bakit?"
Hinarap ko naman siya at nakita kong kung ano yung suot nya kahapon ay suot nya pa rin ngayon. Ano to? Di din siya naligo?
"Anong bakit? Alam mo naman kung bakit"
"Bakit nga"
"Naguusap kami ng di mo alam. She sends me my favorite cupcakes because i told her to."
"Thats it."
Tanging sabi ko at sumakay na lang sa kotse. I dont know what to react, i dont know what to say. Sa bibig nya na mismo nanggaling, and i cant deny it masakit bes.
Kinakatok nya naman ang bintana ko at nagsasalita sya ng di ko maintindihan. Binuksan ko na ang engine at aalid na sana pero binuksan ko muna ang bintana.
"Kung gusto mo kong makausap. Gumawa ka ng paraan"
📍Radio Station
"Dahil nga nauuso na ang 'para sa' threads. Aba syempre magpapahuli pa ba ang dj hugot babe? Syempre di ako mawawalan nyan, may pabaon ang lola nyo."
Humawak naman ako sa aking baba at nagisip isip.
"Choco choco, para sa mga taong manloloko" kasabay naman nun ang isang kanta para sa background.
"Ikaw na ba si mr. right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?🎶"
Napairap na lang ako at stinop ang ang music. Lintek na cupcake yan.
"Cake para sa taong pinagpalit sa cupcake"
Background music ulit ng tawa. Kunwari nakakatawa yung sinabi ko. Kunwari natatawa ako. Tumingin naman ako sa radio operator naming si cindy na ang lakas ng tawa, rinig hanggang sa recording studio. Sabay turo sa likod niya.
Bat nandito to? Inirapan ko na lang sya at pinagpatuloy ang pag broadcast sa mga listeners.
"Lagundi, para sa taong malandi"
Tumingin naman ako kay alden na nakangiti lamang sakin. May gana pa syang ngumiti pagtapos ng ginawa nya sakin. Aba!
☆☆☆
"Bat ka nandito?" Bungad ko kay alden nang lapitan nya ako pagkalabas ko ng recording studio.
"Sabi mo gumawa ako ng paraan para makausap ka"
"Busy ako." Linagpasan ko naman siya at binilisan ang lakad papunta sa desk ko.
"Hindi ka busy"
"Di mo alam schedule ko. Wag mo kong pangunahan"
"I checked your schedule planner. Radio station lang ang nakalagay don"
"So?"
Umupo ako sa aking desk at kunwari ay nagaayos ng gamit. Naramdaman ko na lang ang kamay nya hawak ang mga kamay ko.
"Love naman.. sorry na"
"Bakit?"
"Bakit nanaman?"
"Oh bakit?"
Bumuntong hininga muna si alden bago magsalita muli.
"As what i've said earlier. Naguusap kami ng di mo alam. She sends me my favorite cupcakes because i told her to."
"Bakit?"
"Gusto kong ibigay sayo yung cupcakes kasi masarap. Thats why i ordered another box."
"Ayoko ng cupcakes"
Napakunot naman ang noo nito.
"Sabi mo sakin last week you l-"
"Last week was different from this week."
Ngumiti naman ito ng nangloloko sakin. May gana pa syang gumanyang ganyan sakin ah. Naglolokohan ba kami dito?
"Sabi na eh. Napakaselosa talaga nitong girlfriend ko. Pasensya na ha? Sadyang napakagwapo lang talaga nitong boyfriend mo kaya hinahabol ng mga babae"
"Nagpapahabol ka naman. May pa cupcakes cupcakes ka pang nalalaman"
"Sorry na nga po eh"
Pumikit naman ako at pinipigil ang ngiti.
"Oo na. Sige na sige na. Wag mo ng uulitin ha. Nako, mawawalan ka ng ano pag nagkataon"
"Nang ano?"
"Love, ang bagay na yon ay hindi kanais nais banggitin sa publikong lugar. Respeto naman"
Tumawa naman ito at ngumuso.
"Ano yan?"
"Pakiss"
"Love. Hindi din pwede yan. Nasa office tayo"
Napakamot naman sya ng ulo at hinalikan ang kamay ko. Aba itong alden richards.
"Babawi ako mamaya. Dinner tayo?"
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Talaga ba?"
"Opo"
"Sige"
"HAY NAKO BAKLA. RESPETO NAMAN, ANDAMING SINGLE DITO OH."
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT