Chapter 64

1.9K 80 3
                                    

Maine's

📍Condo

"Apple na gray please"

"Apple na gray? Saan ako kukuha ng apple na gray?"

"Ah so tinatanggihan mo na ko? Edi wag na lang. Kainis" inis kong sabi at tumayo na sa couch. Agad nya naman akong hinila paupo sa lap niya.

"Eto naman. Nagulat lang ako. Ano ka ba. Ano pa bang gusto mo? Gray na banana? Gray na mangga? Ano pa love?"

Nginitian ko naman ito at nagisip isip. Ano bang masarap kainin ngayon...

"Tsaka love, kaya mo bang gumawa ng pansit na may tomato sauce? Parang gusto ko nun eh. Tsaka ice cream yung langka flavor tsaka popcorn yung chili flavor"

"Sa lahat ng sinabi mo may ganon ba love?" Kinunutan ko siya ng noo at hinampas.

"Anong akala mo sakin alien? Sasabihin ko ba kung wala?"

"Sabi ko nga hehe. Sige po bibili lang po ako. Behave ah" tumango tango ako at nakatanggap ng halik sakanya sa noo ko. Paalis na sana siya ng may naalala ako.

"Love, one more thing" lumingon naman ito.

"Ano po yun?"

"Gusto ko ng hawhaw..."

Ngumiti naman ito saakin.

"Sige love"

"Yung maanghang ah" bigla naman siyang napatigil at naglakad ulit.

"Gagawa ng paraan alden. Kaya mo yan" rinig kong bulong nya sa sarili at umalis na ng unit ko.

Alden's

"Apple na gray, pansit na may tomato sauce, ice cream na langka flavor, popcorn na chili flavor tsaka hawhaw na maanghang. Saan ako kukuha nito?"

Litong kong tanong sa sarili at napakamot tuloy ng ulo.

"Alden!" Tumingala ako at nakita si frankie na may dala dalang basket.

"Alden,  si maine ba nandyan?" Kumunot ang noo ko at nagisip saglit.

"Ay nasa bahay namin sa laguna. Pumunta lang ako dito may kinuha lang. Ano ba yan?"

"Pakibigay na lang. Sabi niya kasi sakin kanina nagcracrave daw sya sa apple na gray? Ayan na yun. Wag kang magalala walang lason yan. Wala ding gayuma."

Kinuha ko naman iyon at alinlangang tinignan. San nya nakuha to?

"Sige"

"Tinext nya kasi ako kanina eh. Pakiabot na lang ah"

"Tinext?"

"Oo" tinanguhan ko na lang ito at umalis na siya. Sinilip ko ang basket at chineck ang mga mansanas sa loob. Gray nga.

Hindi na ako tumuloy umalis at pumasok ulit ng unit niya.

"Oh? Ang bilis mo naman" nakangiti niyang sabi sakin. Ibinaba ko ang basket na bigay ni frankie. Agad nya naman iyong tinignan.

"Yeheeey! Thank you love"

"Galing kay frankie yan" seryoso kong sabi sa kanya. Kinunutan nya namab ako ng noo.

"Huh?"

"Tinext mo diba?"

"Selos ka naman"

"Oo. Masaya ka na?" Agad akong tumungo sa pinto para makalabas na. Para na rin hindi ako tuluyang mainis sa ginawa nya. Kinapa kapa ko ang bulsa ko at naibaba ko pala sa likod ng pintuan sa may table doon ang car keys. psh.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon