Chapter 67

1.8K 88 4
                                    

Maine's
📍Condo

"🎶Pare, tanda mo ba nung highschool pa... langya nung nabusted ka ang pangit mong umiyak pala🎶"

Rinig kong kanta ng mga lalaki sa labas ng kwarto ko. Mga lasing na ata sila. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Nabato ko tuloy yung librong hawak ko.

"🎶Usapang kompanyaro light🎶" kanta pa ni alden habang papalapit saakin at hinalikan ako.

"Love, wag na makulit. Lasing ka na" humiga naman siya sa tabi ko at iniyakap ang mga paa nya sa hita ko.

"Paalisin mo na sila love. Tulog na tayo"

"Paano ko sila paaalisin eh yung paa mo nakapatong sa hita ko"

"Sigaw ka" pumikit na ito at siniksik ang mukha nya sa braso ko.

"Anong isisigaw ko"

"Darna" napakamot naman ako ng ulo at dahan dahang inalis ang paa niya sa hita ko.

"Dito ka lang"

"Paaalisin ko na sila diba?"

"Sigaw ka na lang"

"Love naman. Mga lasing na yung mga yun"

Siya naman ang napakamot sa ulo at nagiba ng posisyon ng higa.

"Kagatin mo nga to love ang kati eh" sabay kamot nya sa labi niya. Susmaryosep.

"Love, ilip bite mo na lang yan. Sige na pauuwiin ko na sila para makapagligpit na ko sa labas"

"Ehhh" umupo naman ito at parang batang pinapalo palo ang kama.

"Huuy. Love ano ba yan"

"Dito ka lang kasi. Sige ka iiyak ako" napabuntong hininga na lang ako at tinabihan ulit sya. Dahan dahan naman siya ulit na nahiga at yinakap ako.

"Dito ka lang"

"Opo"

"Patulugin mo ko"

"Love, bata?"

"Tapikin mo ko sa pwet"

"Jusko love. Tulog na. Lasing ka na eh"

"Tapikin mo ko. Parang ganto" napakagat naman ako ng labi matapos nya akong tapikin. Pasalamat ka buntis ako, at lasing ka.

"Oo na. Sige na. Oh pikit ka na. Tutulog na diba"

Tumango naman ito at pumikit. Lalo pa siyang sumiksik sa akin kaya nararamdaman ko ang iniy ng hininga nya.

"🎶Magbukas ka pa ng tuna🎶" rinig kong kanta pa nila jerald sa labas.

"MGA LASINGERO" sigaw ni alden sa kanila habang nakapikit pa din. Makapagsalita ah.

"Mga lasingero sila no"

"Oo. Mga lasingero sila"

"Eh ako di lasingero?"

"Tulog na love. May pasok pa bukas" nagulat ako ng bigla itong umupo at aligagang tumingin sa paligid.

"May pasok ako bukas?"

"Oo"

"Hala mommy ayoko pumasok" naiiyak na sabi nito saakin at niyakap ang tyan ko. Susmaryosep kayo na po ang bahala kay alden.

☆☆☆

Alden's

Pagkamulat ko ng aking mata ay laking gulat ko at pagtataka. Bakit may anghel na naligaw at katabi ko pang natutulog sa kama? Haaay. Thank you Lord!

Dahan dahan akong bumangon at hinagkan si maine bago tumayo.

"Good morning mahal ko" bati ko sa natutulog na maganda kong soon to be wife, soon to be wife. Sarap ulit ulitin. Isa pa nga. Soon to be wife.... tama na kinikilig na ko lintek.

Inadjust ko ang tshirt ko at napakunot ang noo at napaisip sa nangyari kagabi.

"Bat ang gulo?"

Napakamot pa ako sa ulo at iniisip ang mga nangyari kagabi pero di ko talaga maalala. Wala na lang akong nagawa kundi ayusin ang mga nakakalat sa sahig. Sinimulan ko sa mga unan na dapat ay nasa sala pero napunta sa kwarto.

May kawali pa na nakalagay sa ilalim ng kama. Napalunok ako ng makakita ng underwear namin ni maine sa malapit sa cr. Napatingin tuloy ako sa aking ibaba at kay maine. Nakasuot naman kami ng parehas. Ano ba talagang nangyari.

"Buti naman at naisip mong iligpit yan"

"Uy good morning love" bati ko kay maine na nakaupo na sa kama.

"Morning"

"Anong nangyari kagabi?" Nanlaki naman ang mata nya at napataklob pa ng bibig. Hindi ko alam kung nagpipigil ba sya ng tawa o nagulat sya.

"Love, y-"

"Wala naman. Naglaro kayo nila jake ng bam sack sa loob ng kwarto."

"Ha? Paano?"

"Pero love. Hindi yun natuloy nagpillow fight na lang kayo kasi inaasar niyo si jerald na kainin yung mga bulak sa unan para pumuti" napahawak naman ako sa buong mukha ko. Du ko maimagine.

"Yun lang?" Pagtatanong ko.

"Yup"

"Eh bat may nakita akong underwear sa malapit sa cr?" Bigla naman itong namula na lalong kinacurious ko. Jusko ano nanaman bang ginawa ko.

"Uhm. Umalis na kasi sila jake nung madaling araw. Tas para kang tanga gusto mo pang maglaro. Eh sabi ko matulog na. Tas nainis ka kaya ang ginawa mo sinuot mo yung brief mo sa ulo mo..."

"What the heck?"

"Shh. Bawal mag mura love. Let me finish first okay?"

"Okay"

"So yun. Sinuot mo yung brief mo sa ulo mo and. . . . . . . . ginawa mong slingshot yung undies ko"

Nanlaki naman ang mga mata ko at nasampal ang sariling mukha ko. Nakakahiya ka alden richards.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon