Maine's
Isang oras na kami sa loob ng sasakyang na byahe pero wala ni isa saamin ang nagiimikan. Tanging radio lang ang nagsasalita buong byahe.
Napatingin naman ako sa orasan.
"8 na pala psh"
Linipat nya naman ang radio station sa 77.1. Aba nakikinig pala sya sa station namin.
Panay music lang ang tumutunog at commercials. Alangan nandito ako. Absent ako.
"Gluta, stopover muna ansakit na ng pwet ko" sabi ko at inalis na ang seatbelt.
"Hindi gluta ang pangalan ko" sabi nya at tumingin sakin. "Edi alden, stop over muna tayo ansakit na kasi ng pwet ko" inulit ko pa.
📍Gasoline Station
Kaya pagkadaan namin sa gasoline station ay nagstop muna kami at lumabas ng kotse. Ang sarap sa feeling.
"Cr lang ako ha" paalam ko sa kanya at umalis na.
"Cr? Cr? Where art thou?" Sabi ko sa sarili habang hinahanap ang cr. Ayaw mag pa ihi? Di nagpapahanap eh.
Sasabog na pantog ko asan ka na? Ayun. Nagmadali akong pumasok sa cr at umihi na.
Paglabas ko ay di ko sinasadyang may mabunggong babae.
"Ay sorry " sabi ko napahawak naman ako sa side ng noo ko. Pakshet nagka bukol pa.
"Sorry din. Ihing ihi na kase ako eh" nginitian ko na lang sya at umalis na. Walanjo ang tigas ng noo nya ha. Binukulan pa ko.
Pagbalik ko naman sa may hilux nya. Nakita ko naman sya na nakaupo sa likod ng pick up nya.
"Gusto mo?" Pagaalok nya ng isa pang c2 na hindi pa nabubuksan. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat.
"Upo ka" pag aaya nya. Umiling naman ako. Kanina pa kami nakaupo tas upo nanaman? Di pa ba nasakit pwet nya?
"Ansungit mo noh?" Tinignan ko naman sya at kinunutan ng noo. "Hindi, hinde" pagtanggi ko.
"Hindi daw." Bulong nya. "Alam mo ba ikaw lang yung babaeng nagsusungit sakin ng ganyan. Lahat kasi sila mabait saken" kwento nito.
"Ah. So kailangan ganun din ako sayo?" Masungit na pahayag ko. Uminom naman sya ng c2 bago sumagot.
"Oo. Tsaka swerte mo nga eh. Sinamahan kita papuntang pelangi ng walang pagpipilit. Eh yung ibang babae dyan halos magpasagasa lang para makasama ako" tugon nya. Binatukan ko naman sya sa sobrang hangin nya.
"Kapal talaga ng mukha mo no. San mo nahuhugot yan" at tumingin sa iba.
"Dito lang *turo sa mukha* halata naman" sabi nito at nagpapogi pa.
"Mandiri ka nga" sabi ko at medyo natawa pa. "Edi kung ganon. Edi sana jinowa mo na lang lahat ng nagkakandarapa sayo. Yabang eh" dagdag ko.
"Ayoko nga. Ayoko ng namomroblema ako dahil sa babae. Tsaka kapag naging girlfriend ko yon hindi mo ko makikilala. Kaya maging thankful ka sa mga decision ko" binato ko na sya ng walang lamang bote ng c2 dahil sa kayabangan.
"Ang yabang talaga, alden. Tara na nga" natatawang sabi ko at pumasok na sa loob ng shotgun seat.
Stinart nya na ulit ang kotse at umalis na kami sa gasoline station. Pero iba na ngayon. Nagkwekwentuhan naman kami about sa mga buhay buhay namin.
"Bakit mo naman naisipan na magpatayo ng coffee shop?" Tanong nya pa.
"Mahilig kasi ako sa kape. Tsaka nung bata pa ko gustong gusto ko talaga magkaron ng sariling coffee shop" sabi ko. "Eh ikaw? Bat mo naisipan na magpatayo ng school?"
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT