Maine's
📍Condo
"Pinatawad mo agad pagtapos lang nun?"
Humarap naman ako kay val habang may hawak na brush dahil ako ay nagmamake up. May dinner date kami ni aldeeeeen!!
"Val naman.."
"Oo na. Wag ka ng magdahilan, i mean wag ka na magexplain. Naiintindihan ko"
Ngumiti na lamang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagmamake up.
"Nagmake up ka pa ineng!"
"Val, dapat natural lang. Konting apply lang, maganda naman daw ako sa paningin nya kahit magmukhang lupa pa ko"
"Kahit mag amoy singit ka pa?"
"Kahit mag amoy imburnal pa ko"
"Aba. Taas confidence ah. Pano mo nagawa yan sa sarili mo ha? Di ka naman ganyan dati ah? Kakaiba talaga yung lokong yun ah"
"Kakaiba talaga"
"Harot"
Umalis na si val sa loob ng kwarto. Teka nga ano bang lipstick ang ipangtatapal ko sa sexy lips ko?
Red kaya para sexy talaga? Or pink para naman maiba. Mag liptint na lang kaya ako para magmukhang dalaga. Teka? Dalaga pa naman ako ah. Or hmmm. Orange? Para... wala lang. Maiba lang din.
"Eenie minnie miny mo. Alin dito pipiliin ko. Eto ba o eto. Eto. Sabi ng diyos. Oo"
Napataas kilay naman ako dahil sa napili ng eenie minnie miny mo.
"Bat pink? Ayoko ng pink"
Tinanggal ko ang pink na lipstick at nag eenie minnie miny mo.
"Bat orange? Ano ba yan. Red na nga lang talaga ilalagay ko sa precious lips ko"
"Para kang tanga dyan mainegirl"
Tumingin naman ako kay val na nakasilip sa may pintuan.
"Eh"
"Eh. Sus, nandito na jowain mo. Wag mo ng kausapin mga lipstick mo"
Tumayo naman agad ako at dumaretso sa sala.
"Loveeee"
"Tara na?"
"Di pa ko tapos"
"Huh? Eh kanina ka pa nagaayos ah"
"5 minutes love. 5 minutes promise"
Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto at pinagpatuloy ang pagmamake up ko. Inayos ko na din ang bag ko at tinignan ang sarili sa salamin.
"Bat parang ang simple ng suot ko? Hmm"
"Lovee tapos na 5 minutes"
"Another 5 minutes love" sigaw ko pabalik at ininspeksyon muli ang sarili. Ayos na ba talaga to?
Ayos na nga yan.
Lumabas na ako at nagtungo sa kanya. Napatayo naman siya ng makita ako.
"Ayos ka na ba? Tara na?"
"Sorry ang tagal ko ha? Tara na"
Hinawakan nya naman ang mga kamay ko at ngumiti.
"Ayos lang"
"VAL. IKAW NA BAHALA DITO AH"
Sigaw ko habang nakatingin sa kitchen. Hindi ko na hinintay pang sumagot si val, lumabas na kami ni unit ko at nagtungo sa parking.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fiksi Penggemar*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT