Chapter 24

2.2K 92 1
                                    

Maine's

📍Coffee shop

"Nay! Tay!"

Agad akong tumayo at nagmano sa mga magulang ko. Lumapit din naman si alden at nagmano kila nanay at tatay.

"Hello po."

"Bat kayo ang gumagawa nyan? Pwede namang kumuha kaya ng gagawa para dyan"

"Tay. Mas maganda kapag kami yung gumawa. Para may sentimental value sakin"

Lumapit naman ako kay tatay at hinawakan ang braso.

"Tay, nay kain po kayo oh. Nagdala po si alden ng makakain"

"Hindi na. Eh napadaan lang kami kasi nakita namin yung sasakyan mo parking. Pupunta pa kami opisina"

"Ah ganun po ba"

Tumingin naman ako kay alden na kunwari inosente na nagpipintura.

"Uuna na kami."

"Ay. Sige po"

"Alden"

Lumingon naman si alden at nginitian sila nanay.

"Alagaan mo tong anak ko ah"

"Ay oo naman po tito. Makakaasa po kayo"

"Sige na. At malalate pa kami sa meeting"

"Sige po. Ingat po kayo"

Umalis na sila tatay. Agad ko namang linapitan si alden at kinurot sa tyan.

"Ano ka ngayon? Feeling inosente? Giling pa more"

At pinanggilan siya tsaka inalis ang kamay ko sa burger nya.

"Nagustuhan mo naman diba?"

"Utot mo"

Bumalik naman ako sa pinagupuan ko kanina.

"May bago pa kong dance step gusto mo bang makita?"

"Alden richards! Tigilan mo ko"

Natatawa kong sabi. Tumawa naman siya at nagpintura na ulit. Linigpit ko ang mga kalat at lumapit na sa kanya para tumulong.

"Gusto mo ba makita yung true love mo?"

"True love your face. Dami mong alam"

Kinuha ko na ang brush at nagpintura na.

"Ano ba yan basag tuloy ako. Umoo ka na lang"

"Sige na nga. Baka maiyak ka kapag di ako nag oo"

"Huwaw. Oh eto na ah. Gusto mo bang makita yung true love mo?"

"Oo"

"Tingin ka sakin"

Kumunot noo ako sa kanya. At pabirong nilapit ang mukha.

"Ano ba yan alden ang asim mo"

"Maasim ka dyan"

Sabi nito at inamoy yung kili kili niya"

"Yuck"

"Hindi naman eh. Amoyin mo pa"

Pinaamoy nya naman sakin yung kili kili niya. Mukha na kami abnormal dito.

"Ang wierd hahaha. Amoy bayabas na bulok"

"Anong amoy bayabas na bulok. Ang bango bango nga eh"

"Magpintura na lang tayo. Kasi di natin to matatapos kung panay ang ganto natin"

"Ano bang ginagawa natin?"

"Naguusap"

"Oo nga. Sabi ko nga"

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon