Chapter 21

2.3K 96 2
                                    

Maine's

📍Taal Vista

You read it right? Oo nasa taal vista kami. Nasa may likod kami ng hotel kung san may open field plus view ng taal. Kaso gabi na kaya di masyadong kita.

Tahimik lang kaming nakaupo dalawa sa damuhan. Hindi nagpapansinan.

"Wala ka talagang balak sabihin ano?"

"Walang problema gusto ko lang umuwi" pilit kalma kong sabi sa kanya.

"I dont believe you. Alam kong may problema. Tell me" urgh.

"Wag mo na kong kulitin okay? Nakakainis na"

"Hindi na kita kukulitin kapag sinabi mo na sakin kung bakit ka nagkakaganyan"

"Kakasabi ko lang eh. Alam mo ikaw, pag sinabi kong wag mo kong kulitin, wag diba? Bat ba napaka kulit mo? Nandyan naman si leila. Bae mo yun diba? Yun yung kulitin mo. Dun ka nga" pagtataboy ko sa kanya at napahawak na lang sa bibig dahil sa sinabi ko. Jusko, bat kasi di ko napigilan yung bibig ko. Nakita ko naman siyang nakangiti na saakin kaya umiwas muna ako ng tingin.

Traydor na bibig to. Masyadong madaldal.

"So.."

"So?"

"Nagseselos ka?" Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Pakshet pakshet pakshet.

"Bat magseselos?"

"Bakit nga ba?" Papalapit na sabi nito saakin at hinawakan ang tuhod ko. Jusko kahinaan ko. Help help!

Tumahimik na lang ako at tumingin tingin sa paligid. Iniiwasan ang mga tingin niya.

"Tumingin ka nga sakin" sabi ni alden at kinuha ang baba ko tsaka pinaharap sa kanya. Jusko tukso layuan mo ko. Kailangan magpigil dalagang pilipina tayo.

Ang lapit ba naman ng mukha namin. Konti na lang istulip na.

"Alam mo naman kung sino yung gusto ko, yung mahal ko. Alam kong alam mo sa sarili mo yun. Di ko siya gusto okay? Ni hindi ko nga sya nagustuhan at hindi ko siya magugustuhan. Nagiisa ka lang dito" sabi ni alden saakin at kinuha ang kamay ko at pinatong sa dibdib niya. Syet.

Kinurot ko naman ang dibdib niya. Ang cheesy juskooo.

"Araaay" natatawa nitong sabi.

"Wag mo kong ginaganyan. Baka masanay ako" tsaka tinanggal ang kurot sa dibdib niya.

"Sinasanay na nga kita. Pang forever na to"

"Leche. Walang forever"

"Meron nga. Patutunayan ko"

"Utot mo. Magsasawa ka pustahan."

"Bat magsasawa? Hinding hindi magsasawa to"

Binelatan ko na lang sya at tumalikod saglit. Tsaka humarap din naman agad sa kanya.

"Hala maine. Namumula ka" tukso nito sakin.

"Ha? Hindi naman"

"Oo nga. Okay lang sige kiligin ka sakin"

"Alam mo. Magdinner na tayo kasi anong oras na. Ginugutom mo ko"

Napatayo naman siya at tinayo niya ako.

"Ay sorry naman love"

"Okay lang"

Tumingin naman siya saakin na para bang may hinihintay.

"Okay lang, love" paguulit ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong binuhat na pang bagong kasal.

"Jusko alden baba mo ko"

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon