Maine's
📍Radio Station.
Monday na. Nandito ako ngayon sa desk ko. Chill lang, nagbabasa ng isposponsor ko mamaya. Sabi ni boss eh.
Hinatid ako ni alden kanina, as usual. Sabi niya eh. Lagi niya daw ako hahatid sundo, kahit daw magsawa ako gagawin niya pa din daw. Ewan ko sa lalaking yun pinaglihi ata sa keso dahil sa sobrang cheesy!
Naalala ko nanaman yung sabado. Pakshet talaga yun. Ibang klase din yun eh.
Pagkahiga ni alden ay agad naman niya akong niyakap sa waist.
"Sexy talaga ng love ko"
"Yak. Ang manyak mo"
"Manyak agad? Bawal na ba magsabi ng totoo?"
"Pwede naman. Pero alam ko naman yun. Maliit na bagay"
Sabi ko sa kanya at umayos ng higa.
"Ang hirap"
"Anong mahirap?"
"Shh. Basta"
Yun lamang ang sabi niya at yinakap na ako gamit ang hita nya.
"Woooy"
"Shh. Tulog na"
"Osige"
"Ay hindi pala"
"Anong hindi pala? Matulog na"
"Teka. Yung kiss ko"
Tinignan ko lang siya. At kiniss sa ilong.
"Ayos na? Good night"
"Eeeeh"
Pagiinarte niya at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Langyang to. Nakikiliti ako.
"Anong eh? Sige na po, tulog na"
"Yung kiss ko nga"
"Diba na kiss na kita?"
Ngumuso naman siya na paeang bata at humihiling na sa lips nya ko na lang daw siya halikan.
"Tulog na, bebe ko. Tulog na, bebe ko"
Kanta ko sa kanya at tinatapik ang likod niya.
"Bebe ko pala ah"
"Kanta yon wag kang ano"
"Osige. Kiss ko?"
Hinalikan ko na lang siya ng mabilis sa labi at tinalikuran siya.
"Bitin"
Bulong nya. Baliw na talaga to. Nagaadik yata to eh. Pasalamat siya gusto ko siya. Pag nagkataon na ko. Ikikiskis ko yung scotch bright sa nguso niya na napaka tulis.
"Pero. Masarap"
Dagdag nya. Nagtalukbong na ako ng kumot habang nakatalikod pa din sa kanya.
Naramandaman ko nanaman yung kamay nya na nakapatong sa waist ko at yung hiya nya na nanatili sa bewang ko din na nakayakap.
"Tutulog ka na agad? Walang additional yung kiss?"
"Shh. Tutulog na ko"
"Ayaw mo mag labing labing?"
"Inaantok na ko eh"
Naramdaman ko na lang yung nguso niya sa ulo ko. Matutulog na siguro nga to.
Ilang minuto siyang hindi gumagalaw. At yung katawan ko naman na di mapakali at di na makatulog. Kaya humarap na ako sa kanya at nakita kong tulog na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT