Maine's
📍look out
"Alden daming pakulo"
Natatawa kong sabi sa kanya. Nandito kami ngayon sa look out ng town namin. Kung saan makikita mo yung city lights ng manila. Kala ko kanina kung anong gagawin namin sa gubat dito pala daretso namin. May pa dinner pa si gov alden na nakalagay sa isang malaking mat na maraming unan. Handa nga sya.
"Naman. For you i will"
"For you i will ka dyan. Utot mo walang ganun"
"May ganun. Basta ikaw"
"Basta ako? Yan ka nanaman. Sinasanay mo nanaman ako"
Naramdaman ko naman siya na pumunta sa likod ko at niyakap ako.
"Masama ba? Di naman kita bibiguin eh"
Hindi na lamang ako umimik. Baka kung ano pa ang masabi ko at magkamali siya ng intindi.
"Maine, kahit hindi pa kita girlfriend. At kahit maging girlfriend na kita hinding hindi ako magsasawang sanayin ka. Mahal kita eh, kaya please hayaan mo na lang muna ako na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal at kaespesyal sakin"
Humarap naman ako sa kanya at marahang hinawakan ang magkabilang pisngi.
"Sorry naman. May trauma na kasi ako sa mga ganyan ganyan eh. Pero sige, kung yan ang gusto mo"
Inalis niya naman ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya at hinawakan.
"Hinding hindi kita bibiguin, pangako yan"
Nginitian ko naman siya kasabay ng paghalik niya sa nga kamay ko.
"Tara na nga kain na tayo"
Pagyaya ko sa kanya at nauna ng naupo sa may mat katabi ng kotse niya.
"Ayan ah. Dalawang box ng pizza yan"
"Ay diet ako eh"
Pagbibiro ko sa kanya. Kumunot noo naman siya saakin at binigyan ako ng asparagus.
"Joke lang baliw"
Tumawa naman siya at tinago na yung asparagus tsaka kami kumaing dalawa.
"Kapag naging mag asawa tayo-"
"Asawa agad alden? Di pa nga tayo eh"
"Di pa. May chance naman diba"
Shrinugg ko lang yung shoulders ko at kumain ng pizza. Tinignan nya lang ako at parang walang balak na tanggalin ang tingin saakin.
"Oo may chance. Itigil mo na yang ganyang tingin at baka masapok kita"
Tumawa naman muli siya.
"Kapag naging mag asawa tayo, gusto ko yung anak natin may anim na lalaki"
Nanlaki naman ang mata ko sa kanya. Lintek na yan anim?!
"Anim?"
"Oo, gagawa tayo ng basketball team. At hindi tayo titigil sa kakagawa hanggat wala tayong anim na lalaki"
"Anak ng alden? Seryoso ka sa anim? Gusto mo bang mamatay ako sa sobrang dami ng ilalabas ko?"
"Eh ilan ba gusto mo?"
"32"
"32?!" Siya naman ang nagulat sa sinabi ko. Natawa naman ako dahil sa reaction niya. Pero syempre biro lang yung 32 no.
"Joke lang. Tatlo lang siguro"
"Ayos lang sakin yung 32 maine"
Tinignan ko naman siya ng masama at binatukan.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fiksi Penggemar*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT