Maine's
📍Coffee shop
"Eto na pala yung susuotin mo para sa fun run sa school ko. Bukas na yun" pagpapaalala nya. Oo nga pala.
"Anong oras?"
" 4pm to 9pm pa naman"
"Woah. Sa ibang school napaka aga sayo ata pa gabi na"
"Maiba lang love"
"Ma'am eto na po yung frappe" kinuha ko naman ito at binigay sa isa sa mga waiter ko.
"Dun sa lalaking nakaitim na cap" turo ko. Tumango naman sya at sinerve.
Tumingin naman ako sa calendar ko ng may naalala. Ngayon nga pala idedeliver yung ibang pang decor ko dito sa shop. Tinawagan ko naman yung may ari ng shop at sinabing on the way na daw sila.
"Gala gala tayo mamaya?" Pagaaya ni alden.
"Di ako pwede sorry. Ngayon kasi idedeliver yung mga decor para dito sa shop. Eh mamaya ko na din idedeco para wala ng hussle"
"Ah. Sige tutulong ako"
"Di mo naman kailangan gawin yun eh. Okay lang ako. Sanay na ko"
"Eh basta, tutulungan kita. For sure gagabihin ka pa. Kung ano pang mangyari sayo dito. Kaya syempre dapat nandito ako. Diba nga villa rica"
"Oo nga pala haha safe ka sure ka at special ka jusko" nagtawanan naman kami dahil sa kakornihan naming dalawa.
Hanggang sa dumating na nga yung delivery at sa likod namin pinalagay yung mga kailangan. Tinambak muna namin sa may gilid ng kitchen.
"Magpipintura pa? Edi icloclose mo muna tong shop mo?"
"Oo eh. Nagpost naman din ako sa labas tsaka sa social media na irerenovate ko yung loob ng shop kaya yun. Okay na"
"Woooh" sabi ni alden matapos nyang tulungan yung mga trabahador na bitbitin ang ibang pang ayos para sa shop.
Agad ko namang kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang pawis mya.
"Wawa naman. Pawis na pawis" ngitong ngiti naman syang nakaharap sakin habang nakapikit dahil pinupunasan ko sya ng pawis.
"Hey maine girl. Im back" napalingon naman kaming dalawa ng bumukas ang pintuan at linuwa si valeen.
"Ang aga mo ata? Kala ko ba sa office ka ng tatay mo?"
"Tch. Who dat" pagdededma nya at naglagay ng mga maleta at bag sa kung saan nakalagay ang pangdedecor ko sa shop.
"Oh? Naglayas ka?"
"Correction. Pinalayas ako. Masyadong bida bida yung madrasta nya. Pinagmukha akong masama sa daddy" at umirap pa. Yinakap ko na lang si val dahil halata naman sa pananalita nya at sa mukha nya na pinipigilan nya lang ang pagiyak.
"Ano ka ba okay lang ako" humiwalay naman sya saakin at binigyan ako ng fake smile.
"Utot mo valeen. I know you" sabi ko sa kanya. Agad nya naman akong yinakap ng mahigpit.
"Alden ikaw na muna bahala sa labas oh" tumango naman sya at lumabas na ng kitchen.
"Wag tayo dito val. May nagtratrabaho oh. Dun tayo" sabi ko sa kanya at lumabas na kami papunta sa isang sulok sa labas ng shop.
Dun na siya umiyak at humagulgol ng walang tigil. Ngayon ko lang ulit sya nakitang umiyak. Lagi na lang kasi siya yung nagpapasaya sakin pag ako yung malungkot at umiiyak. Kaya ngayon sya naman ang pasasayahin ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Hayran Kurgu*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT