Maine's
📍Condo
"Di ka naman halatang good vibes" tanong saakin ni val.
"Ha? Good vibes? Ako?" Pag mamaang maangan ko.
"Oo ikaw. Maangmaangan pa more" sabi nito at tumayo sa sofa. "Teka nga baka luto na yung popcorn" sabi nito at umalis papuntang kitchen.
Inayos ko na yung dvd player habang hinihintay si val.
"Maine buksan mo tong pintuan. Sisirain ko to" rinig kong sigaw sa labas habang kinakalabog yung pintuan. Agad naman akong napatakbo sa may pintuan at binuksan.
"Siraulo ka talaga patricia" at binatukan. "Hehe miss ko na kayo eh" at nagpeace sign.
Pumasok na kami sa loob at umupo sa sofa.
"Val nandito na si patricia. Labas na" sigaw ko. Lumabas naman si val papuntang kitchen at binato ng popcorn si patricia.
"Bruha buti nagparamdam ka." At patuloy pa din sa pagbabato ng popcorn.
"Hoy ikaw magwawalis nyan ha." Agad namang pinulot ni val yung mga kalat. "Ayos na" sabi nito at umupo sa sofa. Alam kasi nila na dumating na sila nanah at tatay dito. Kaya kailangan laging malinis ang condo ko. Kundi patay kami kila nanay.
Plinay na namin ang movie pero parang ang boring boring nya.
"Nakakaantok naman. Sino ba pumili ng movie" reklamo ni patricia.
"Yan si valeen" paninisi ko.
"Eh ayan yung bagong palabas ngayon eh" pagdadahilan nito. Inoff naman ni patricia ang tv.
"Magbar na lang tayo. Para di tayo antukin." Pagaaya ni patricia. Bad influence talaga to eh.
"Tara" pagsasangayon ko. Pabebe pa ko yak. Nakakamiss din kasi mag bar.
Dati kasi nung mga college kami halos every friday at saturday nasa bar kami. Eh ngayong nagtratrabaho kami wala ng time. Kaya minsan na lang.
"Teka bihis lang ako. Naka pangbahay lang ako no" sabi ko at pumasok na sa kwarto para makapag palit ng damit.
Nagbihis ako ng simpleng panglakad lang. At lumabas na ng bahay. "Tara na" at naunang lumabas ng bahay.
Kotse ko na lang ang ginamit kasi nagtitipad daw sila sa gas. Kahit na ang lapit ng bar dito nagkotse pa din kami. Muntik na kaming magaway away tatlo kasi nagtatalo kami kung sino yung magdridrive.
Hanggang sa nagpresinta ako na ako na lang. Ganyan kami katamad. Pati sa pagdridrive kinatatamaran namin.
"Hello. Hay nako wag kayong pupunta don kasi wala kami don" rinig kong sabi ni val habang may kausap sa telepono.
"Papunta kaming bar. Bye" inend call nya agad yung tawag. "Sino naman yon?" Tanong ni patricia kay val na parehas na nasa likod. Ginawa akong driver!
"Wala yun. Some common friends" sabi ni val at nagkinuha ang lipstick sa bag.
"Boy hunting tayo mamaya" pag aaya nito. "Di pwede stick to one" pahayag ni patricia kay valeen.
"Edi ako na lang" sabi ni val at inirapan kami. "Ayan oh si maine"
"Di pwede may alden na yan" pangasar na sabi saakin ni val. "Oh sino naman si alden? Ilang months lang ako nawala may boyfriend ka na pala"
"Wala ah. Wag kang maniwala dyan jusko" at kinunotan ng noo si val. Pinagsasabi nyan.
"May paghatid nga eh, may pagbuhat, plus meet tito at tita" sabi pa ni val. Pinark ko na ang kotse at tila parang tangang naka nganga si patricia.
"Is that true?" Napainglish naman si patricia sa gulat. "Walang kami okay? Tsaka di pa kami masyadong magkakilala" sabi ko at lumabas na ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfic*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT