Maine's
📍Radio Station.
Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang tinawagan ako ni alden habang on air ako para lang ilabas ako for lunch. Nag init yun sa social media lalo na sa twitter. Dahil nga tinuring akong hugot babe / hugot queen na eh maraming nagtatanong kung itutuloy ko pa daw tong giagawa ko.
Ang tanging sagot ko lang naman ay oo. Bat ko naman ititigil to kung masaya na ko diba? Masaya ako sa ginagawa ko at mahal ko ang trabaho ko. Thats it, yun na yun.
Bumunot naman ako sa isang box at kumuha ng isang papel.
"Bulag"
Sabi ko sa sarili ng mabasa ko ang nasa papel. Umayos ako ng upo at tinapat ang bibig ko sa mic. Para malinaw ang pagdedeliver ko sa mga taong nakikinig sa radio.
"Minsan kapansanan, madalas ikaw"
Tumingin naman ako sa taas na para bang iniisip kung ano ang susunod kong sasabihin. Iniisip ko na lang yung sakit na nararamdaman ko nung nag bulagbulagan ako nung kami pa ni frankie.
"Nagbubulagbulagan dahil sa pag ibig. Niloko na nga, nagbulagbulagan pa. Nagpapanggap na walang nakita, hindi nasaktan, walang nararamdaman. Kunwari di masakit, yung tipong ikaw na ayaw mong magsalita kasi ayaw mo na mag away at mauwi kayo sa hiwalayan."
"Sa sobrang mahal mo yung taong yun, nag bulagbulagan ka na lang at nagpapanggap na masaya kahit ang sakit sakit na"
Napabuntong hininga na lang ako at bumunot ulit. Masyadong madrama naman yata yung sinabi ko.
Alden's
📍School
"Sa sobrang mahal mo yung taong yun, nag bulagbulagan ka na lang at nagpapanggap na masaya kahit ang sakit sakit na"
Grabe naman sa hugot.
"Maiba na nga at bubunot na lang ulit ako ng iba. Masyado akong masaya sa mga sumusunod na araw para mag drama"
Napangiti na lang ako bigla. Buti naman at napapasaya ko siya kahit papaano.
"Eto naaaa. Charan!"
Napatigil ako sa pag babasa ng article at napatutok sa pakikinig.
"Happy Accident. Woah"
Napailing iling na lang ako ng marinig yun mula sa radio. At di mapigilan ang pag ngiti. Di ko mapigilang isipin yung nga nangyari saamin ni maine noon.
"Maraming happy accident eh"
"Pero yung happy accident na yun, para sakin ayun yung pinaka magandang happenings sa mga taong nagmamahal"
Bigla ko na lang naalala yung first encounter namin at kung pano kami nagkakilala. Nakakabakla man basahin pero kinikilig talaga ako kapag naalala ko yun. Di ko naman kasi inaakalang magiging ganto kami ni maine. Di ko aakalaing mapapamahal ako sa kanya.
"Kasi, sa happy accident na yun dun nagsisimula ang lahat. May mga happy accident kasi na sa simula lang masaya. At meron din naman na aksidente na nagpabago sa takbo ng buhay natin, "
Tumango tango lamang ako habang nakikinig sa kanya.
"Yung dahil sa aksidenteng yun, dun mo nahanap yung truelalu love mo. Yung true love mo na pupuna sa kakulangan mo. Na kahit anong pagkakamali mo iintindihin ka. Yung handang magbago at handang pagtanggol kahit kanino."
"... Meron din naman na sa una lang masaya, yung patragic effect kumabaga. Yung parang kaibigan mo na akala mo totoo. Plastic kumbaga, sa una lang maligaya. Pero sa huli, babawiin lahat ng kaligayahan mo at papalitan ng kalungkutan."
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfic*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT