Chapter 14

2.5K 105 0
                                    

Maine's

📍Coffee Shop

"Puta seryoso?" Kinikilig na sabi ni val. Tumango na lang ako ng nakangiti.

"Maharot kayong dalawa" at kinurot ako sa tagiliran. "Shh. Wag kang magulo nagtratrabaho tayo" pananaway ko.

"Jackpot" sigaw nya at nagtataas pa ng kamay. Binawi nya naman bigla ng mapansing may nakatingin sa kanyang mga customer.

"Aalis na nga ako. Pupunta pa kong radio station" pagpapaalam ko at kinuha ang bag ko.

"Ikaw na ulit bahala dito" at lumabas na ako ng coffee shop at napatigil sa paglalakad ng makita si alden na papalapit sakin. Aga aga bes.

"Good morning" nakangiti nyang sabi sakin.

"Good morning"

"Hatid na kita sa radio station?"

"Sure" inalalayan nya naman ako papuntang kotse nya.

"Patingin muna ng jackpot" napatingin naman kami kay val na nakasandal sa pinto ng coffee shop. Natawa naman si alden dahil sa sinabi niya.

"Sira ulo ka"

"O sige. Yung holding hands na lang. Dali" kinikilig nyang sabi samin. Napailing iling na lang ako at pumasok na sa kotse ni alden. Kulit talaga.

Sinara na ni alden yung pinto ko at umikot na papuntang driver seat. Lumapit naman saakin si val at kinatok ang bintana. Binaba ko naman yon.

"Ingat kayo. Wag munang jajackpot ha" babatukan ko sana kaso nakatakbo na papasok ng shop. May pahabol pa! Buang talaga yon.

Tumingin naman ako kay alden na ngiting ngiting nakatingin sakin. "Tara na" umirap naman ako.

"Wala kang pasok?"

"Meron. Pero nag leave ako. Wala naman masyadong gagawin ngayon dun" sabi niya habang naka focus pa din sa daan.

"Eh anong balak mo buong araw?"

"Getting to know you more?" Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"May work ako alden. Sige nga, how? By being my service wherever i go? Or being my PA all day long?" Pagsusungit ko.

"Sungit naman. Di ba pwedeng. Forever mo"

"Nak ng alden richards!" Nanggigil kong saway sa kanya. Takte.

"Bakit?" Natatawa nyang sabi sakin.

"Seryoso pano nga"

"Tutulong ako sa shop" panatag nyang sabi.

"Seriously?" Tumango tango naman sya habang naka focus sa daan.

"Sige. Sabi mo eh" ngumiti naman ako sa kanya at nginitian nya din ako.

📍Radio Station

"Dyan na lang sa tabi. Dyan dyan" turo ko sa may tapat ng entrance at sinunod nya naman.

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya. At binuksan na yung pintuan.

"teka. Walang goodbye-" at ngumuso naman sya sakin. Putek.

"Bye na lang" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kulang eh"reklamo nya. Parang bata.

Kaya kiniss ko na lang sya agad sa cheeks at nag bye na sa kanya. Tsaka pumasok agad sa radio station. The heck maine nagawa mo yon? Lakas loob ah.

"Good morning ma'am" bati sakin nung guard nginitian ko naman sya at nag goodmorning din.

Pumunta na ako sa tapat ng elevator at pinindot ang up botton. Pagkabukas ay sumakay na ako. Icloclose botton ko na sana ng biglang may humarang na kamay sa elavator.

Bitter LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon