Maine's
📍Aldens house
Nasa kalagitnaan kami ng dinner. Masayang nagkwekwentuhan ang nanay at mama ni alden pati ang tatay and daddy nya. Habang kami naman na nagsisipaan lang sa ilalim dahil hindi kami makapagsalitang dalawa. Nalaman ko din na college buddies pala ang nanay ko at mama nya at ngayon nila napagdesisyonan na magkita.
Nakikinig lang kami ni alden dahil nagplaplano silang pumunta ng baguio sa Christmas. Sama sama na daw kami mag Christmas tutal daw ay for sure kami ang magkakatuluyan ni alden.
"Teka nga, anak"
Napatingin naman ako kay tatay. At uminom ng tubig. Iba kasi ang dating eh.
"May nangyari na ba sainyo ni alden?"
Muntik ko ng maluwa ang tubig dahil sa narinig. Agad namang hinagod ni alden ang likod ko ng bigla ko pa itong nalunok. Si tatay kasi bat ganon yung tanong.
"Okay ka lang ba, iha?"
Nagaalalang tanong ng mama ni alden.
"Ayos lang po" nagpunas naman ako ng tissue sa bibig bago magsalita.
"Tatay, wala pa po. Hindi pa"
Tumango tango na lamang si tatay at para bang pinipigilang tumawa. Masyado bang obvious?
Sinamaan ko naman ng tingin si alden na nagpipigil ng tawa. Palibhasa kasi... hmp.
"Tawa pa. Di na mauulit yon" bulong ko sa kanya. Bigla naman nyang sinarado ang bibig nya at kunwaring zinipper pa sarado. Patawarin po sana sya ng diyos dahil sa kaharutan ng katabi ko.
"Tara sa labas?" Biglang aya nito. Tumango na lamang ako. Tumayo naman siya kaya tumayo na din ako.
"Excuse us po. Sa garden lang po kami"
Tumango lamang sila at nagkwentuhan muli. Kaya nagtungo na kami sa garden nila alden. Ang yaman talaga nitong lalaking to. May pa fountain pa oh tas may pa swimming pool.
"Yayamanin ka talaga no"
"Di naman akin yan. Sa mama at daddy ko yan"
"Pero. Anak ka nila, syempre iyo na din to"
"Sa ating dalawa..."
Tumingin naman ako sa kanya at naramdaman ang paghawak ng kamay niya saakin.
"...Asawa ko"
"Asawa ka dyan"
"Ayaw mo ba?"
Pinigilan ko na lang ang pagngiti ko. Bwiset na to. Ang hilig mag ganto.
"Gusto"
Nahiga naman kami sa isang hammock. Yumakap ako sa kanya at ang kamay nya ay nasasandalan ko na naka alalay sa aking bewang. Napatingin naman ako sa taas na puro bituin isama mo pa ang full moon na naka view sa amin. Medyo malamig kaya may hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"Wag kang mawawala ah" nakapikit kong sabi kay alden habang pasimpleng inaamoy siya. Napakabango talaga nitong lalaking to.
"Love, hinding hindi ako mawawala"
"Promise?"
"Promise"
Nagpinkie swear pa kami para daw sure na sure. At sealed yung promise namin.
"Baka mamaya masanay nanaman ako..."
"Hindi kita iiwan, okay? At walang makakapigil satin"
Medyo natouch naman ako at tumahimik na lang. Ilang minuto kaming nagkaroon ng katahimikan habang linalaro nya na ang buhok ko at ang ilong nya na inaamoy nanaman ang buhok ko. Okay na yung buhok. Kesa naman sa leeg nanaman diba? Ayaw ko ng magbilangan kami nila tekla at donita ng pasa sa leeg.
"May naisip ako"
"May maiisip ka talaga love. May utak ka eh"
"Love naman."
"Joke lang po. Joke lang" inabot ko naman siya tsaka hibalikan sa pisngi. At bumalik muli sa posisyon ko kanina.
"Kung, iblind date kaya natin si leila at frankie?"
Napatingin naman ako sa kanya.
"Seryoso ba yan?" Tumango naman ito ng bahagya.
"Oo. Para wala na talagang makakapigil satin"
"Eh pano? Nasa ibang bansa na si frankie?"
"Wala. Nakita ko sya kanina habang papunta ako sa condo mo. Naiwanan daw sya ng eroplano"
Natawa naman ako at iniimagine ang itsura ni frankie sa nangyari.
"Ang shunga naman non"
"Bad"
Pinalo ko naman siya sa dibdib bago magsalita.
"Mas bad ka. Sinuntok mo kaya sya. Nakatulog pa nga yun sa parking diba. Tinawag mo pang basurero tapo-"
"Oo na love. Enough na. Ako na bad"
Tumingin naman ako sa kanya at nilabas nya nanaman ang matulis nyang nguso. Hinila ko naman ulit yon at binilog bilog.
"Yang ngusong yanm puputulin ko na yan eh"
"Hindi mo kaya.."
"Anong hindi ko kaya?"
"Wala ka ng makikiss. Diba sabi mo pa naman na masarap to"
"Shhh. May makarinig sayo. Ang pangit pakinggan"
"Nako ha. Iba yang iniisip mo eh. Nako naman love. Ikaw pala tong may pagnanasa sakin"
Pinalo ko ulit siya ng malakas naman.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no."
Tumawa naman ito at hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong pa din sa mag dibdib nya. Inalis ko naman iyon at hinanap ang nakaumbok sa dibdib niya.
"Huy. Ano yang ginagawa mo"
"Ito ang hinahanap ko. Parusa sa kaharutan mo" kinurot ko ng malakas ulit ang kanyang nipples. Natatawa naman siya na umaaray.
"Love, wag wag HAHAHAHA"
Natatawa naman akong kinurot kurot ko pa.
"Mga anak."
Napatigil naman kami at napaupo na lang bigla ng ayos. Bilang dakilang lampa muntik pang mahulog si alden buti na lang ay nahila ko kaagad.
"Naistorbo ba namin kayo?"
Umiling naman kami pareho. Tumingin naman ako kay alden na nakapanglolokong ngiti nanaman saakin.
"Nak, uuwi na kasi kami. Sasabay ka ba samin? O mamaya ka pa"
"Nay, sasabay na po ako sainyo."
Tumayo naman ako at nagbless sa mama at daddy ni alden.
"Salamat po sa dinner"
"Walang anuman iha. Balik ka ha"
Tumango naman ako at ngumiti sa kanila. Yinakap naman ako ng mama ni alden pati na din ang kanyang daddy.
"Ingat kayo"
Lumapit naman ako kay alden na nakatayo sa tabi ng tatay niya.
"Sleep over ka na lang dito"
Malambing nyang sabi. Yumakap naman ako sa kanya at binulungan.
"Di pwede, nakakahiya. Ikaw na lang ulit sa condo ko"
Humiwalay naman kami sa yakap at hinalikan nya naman ako sa noo.
"Pag nagsleepover ako sa condo. Gusto ko walang tulugan ha" inabot ko naman uli ang nipples nya at kinurot ulit. Pero mahina na. Kawawa naman yung utong nya.
"Mahiya ka nga. Ang harot harot mo kaharap ang parents natin"
Tumawa na lamang sya. At hinalikan ko sa pisngi bago lumapit kila nanay. Baka di makatulog pag di ko hinalikan joke.
"Bye bye my love"
Nagwave naman ako sa kaniya bago kami tumalikod at nagsimulang naglakad palabas ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Bitter Love
Fanfiction*complete* Highest rank: #2 in gma #12 in FANFICTION #22 in HUGOT